^

PSN Palaro

Tigers nilapa ang Dragons

-

Kahit may bagong import ang Welcoat, hindi nila naiwasan ang talo na nagtulak sa Coca-Cola sa solong pamumuno sa kasalukuyang 2008 PBA Fiesta Conference na nagtuloy sa  Araneta Coliseum kagabi.

Anim na three-point shots ni Cesar Catli sa second half at ang pananalasa nina rookie Ronjay Buenafe at import Jason Dixon ang nagsulong sa Coca-Cola sa 98-96 panalo kontra sa Welcoat.

Ito ang ikatlong sunos na panalo ng Tigers na nagbigay sa kanila ng solong liderato matapos iwanan sa 2-0 record ang mga dating kasosyong Sta. Lucia at Red Bull na pahinga kagabi.

Sa likod ng pagparada ng Dragons ng bagong import na si Marcus Ganioous na tumapos ng 23-puntos, nalasap ng Welcoat ang ikatlong sunod na talo at ika-14 sunod mula pa noong nakaraang kumperensiya. Ang Dragons ay 4-29 na ngayon sa Big Dome sapul noong 2007

“I told them that Welcoat is a tough team. They’ve got two imports, they’ve got a good crop of locals and they’ve got a good coach taking care of them. So we cannot take anybody lightly,” ani coach Binky Favis, kinuha si George Gervin, Jr. bilang kapalit ng injured na si Calvin Cage.

Isang 17-5 bomba ang inihulog ng Dragons, pito rito ay mula sa 6-foot-9 na si Gainous para sa 76-63 abante hanggang maitabla ng Tigers ang laro sa 83-all

Huling lumamang ang Welcoat sa 94-90 ngunit naagaw ng Tigers ang kalamangan sa jumper ni Dixon at tres ni Buenafe para agawin ang unahan sa 95-94 sa natitirang 15.4 segundo.

Ang tapik ni Buenafe mula sa dribol ni 6’7 Jay-R Reyes sa huling posesyon ng Dragons ang nagresulta sa dalawang  freethrows ni Dixon para sa 97-94 abante ng Tigers sa huling 5.7 tikada.

Naglalaban pa ang Purefoods Tender Juicy at Air21 na parehong may 1-1 kartada, habang sinusulat ang balitang ito.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

BINKY FAVIS

BUENAFE

CALVIN CAGE

CESAR CATLI

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with