^

PSN Palaro

Welcoat iniwan ni Austria

-

Nabitiw  si Leo Austria bilang head coach Welcoat Dragons.

Matapos mabigong palampasin ang Welcoat na naging dominanteng team sa Philippine Basketball League (PBL), sa elimination round ng nakaraang tatlong kumperensiya ng Philippine Basketball Association (PBA), nagdesisyon ang management na pakawalan si Austria para na rin sa kanilang tatahaking bagong direksiyon.

“Ganun talaga, coaches lose games,” ani Austria, 1985 PBA Rookie of the Year. “The management wanted a new direction. I and management spoke in good terms, and I think the best way for the team is for me to go.”

Inihayag ni Austria, nagdala sa Welcoat sa PBL title noong 2002, ang kanyang resignation sa kanyang mga players kaha-pon.

Posibleng si Alex Compton, isa sa mga assistant coaches ni Austria na naglaro din sa Fiesta Cup ang posibleng pumalit sa kanya ngunit hindi pa ito kinukumpirma ng Welcoat management.

Hindi inaasahan ang pagbi-bitiw na ito ni Austria dahil malapit na ang season-ending Fiesta Cup na magsisimula na sa March 29 sa Panabo, Davao del Norte.

Maganda ang tsansa ng Dragons na makalampas ngayon ng eliminations dahil dalawa ang ka-nilang imports sina 6-foot-1 Corey Santee at 6-foot-9 Jason Keep, isang prebilehiyong ibinigay sa kanila ng PBA bilang mga kulelat na teams.

Minalas si Welcoat noong nakaraang kumperensiya dahil sa injuries nina Joe DeVance, ang top draft pick ng Dragons na si Jay-R Reyes, Rob Wainwright at Froilan Baguion. (MAE BALBUENA)

ALEX COMPTON

COUNTRY

FIESTA CUP

PLACE

REGION

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with