^

PSN Palaro

Reyes, Bustamante, Pagulayan ‘di mapigilan

-

Patuloy sa pananalasa sina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante at Alex “The Lion” Pagulayan sa 10th annual Derby City Classic ‘One Pocket’ division matapos ang kanilang sunud-sunod na panalo kahapon sa Executive West Hotel sa Louisville, Kentucky

Pinabagsak ni Reyes, ang 1999 Cardiff World Pool Champion na nagtatangka ng kanyang ikalimang sunod na  one pocket title sina Dave Wagner at Bill Hendrixson sa second at third round, ayon sa pagkakasunod.

Pinatalsik naman ni  former world no.1 Bustamante sina Charles Bryant at Peter Ghostine habang sinibak naman ni Pagulayan, ang 2004 Taiwan World Pool Champion na sina Harry Platis at Sid Barcelonto.

Dahil dito, malinis pa rin ang kartada ng tatlong top Pinoy cue artist ng bansa sa annual tournament na ito na may kabuuang papremyong  $100,000.

Wala pa ring talo ang mga US based Pinoy cue artists na sina Jose “Amang” Parica at Santos “The Saint” Sambajon na nagtala rin ng tigalawang panalo.

Nanaig ang West Covina, California based na si Parica kina Jamie Fenton at Gerald Reichle habang tinalo ni Chicago, Illinois based Sambajon mula Macalelon, Quezon province sina Mark Parlier at John London.

Gamit ang kanyang Buy-In option sapul ng matalo sa opening round kay Robert Mc Cormick, nakabalik sa kontensiyon si Rodolfo “Boy Samson” Luat nang gibain sina David Gutierrez at Raymon Wilson ayon sa pagkakasunod.

Samantala, tinanggap ni Larry Price ang top purse $10,000 sa ‘9 ball bank’ event ng talunin si Sylver Ochoa sa finals para magkasya sa runner-up prize $5,000.

Ang pinakamaraming panalo sa tatlong division na 9-ball bank, One pocket at 9-ball division ang tatanghaling Master of the Table Bonus Champion kung saan si Reyes ang defending Master of the Table Champion.

vuukle comment

BILL HENDRIXSON

BOY SAMSON

BUSTAMANTE

CARDIFF WORLD POOL CHAMPION

PLACE

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with