^

PSN Palaro

Coke nilagok ng Realtors

-
Muntik nang mauwi sa wala ang ipinundar na kalamangan ng league leader na Sta. Lucia Realty sa kaagahan ng labanan ngunit lumabas ang kanilang karakter bago mahuli ang lahat tungo sa 106-91 panalo laban sa Coca-Cola sa pag-usad ng eliminations ng Talk NText-PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Nagbida si rookie Kelly Williams sa unang bahagi ng labanan sa pagkamada ng 19 sa tinapos ng 25-puntos upang tulungan ang Realtors na makalayo ng hanggang 29-puntos.

Ngunit naging kumpiyansa ang Sta. Lucia sa ikatlong quarter na nagbigay ng pagkakataon sa Tigers na makabangon sa pagtutulungan nina Joseph Yeo at John Arigo para maibaba ng hanggang dalawang puntos ang kanilang distansiya sa 76-78.

Mabuti na lamang at may Nelbert Omolon na gumiya para sa Sta. Lucia sa paghakot ng 16 sa kanyang tinapos na 18-puntos sa ikaapat na quarter na kinapapalooban ng10-of-12 freethrow shooting.

Sumulong sa ikalawang sunod na panalo ang Realtors, ikawalo sa kabuuang 10-laro na nagpatatag sa kanila sa pangkalahatang pamumuno at lalong palawigin ang kanilang pinakamagandang conference start.

Sa ikalawang laro kagabi, naglalaban ang San Miguel Beer (5-4) at Red Bull (6-3) habang sinusulat ang balitang ito.(MB)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

COCA-COLA

JOHN ARIGO

JOSEPH YEO

KELLY WILLIAMS

LUCIA REALTY

NELBERT OMOLON

PHILIPPINE CUP

RED BULL

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with