^

Luat dumating sa bansa bitbit ang tagumpay

() - August 8, 2006 - 12:00am
Dumating kahapon si Rodolfo ‘Boy Samson’ Luat makaraan ang matagumpay na kampanya sa Taiwan leg ng San Miguel Asian 9-Ball Tour na ginanap sa Kaohsiung.

Si Luat na nagkampeon sa ikatlong yugto ng San Miguel Asian 9-Ball tour, dumating kasama sina Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco ‘Django’ Bustamante, Ramil Gallego at Gandy Valle.

Tinalo ni Luat ang Taiwanese bet na si Hsia Hui-Kai, 11-7 sa finals.

Bago rito, kinailangan munang dipatsahin ni Luat si Muhammad Zulkifri, 11-8 sa semis para sa karapatang harapin si Hsia na tumalo naman kay Bustamante, 11-4 sa isa pang semifinal match.

Ang huling yugto ng torneo na qualifying para sa mga Asian players sa World Pool Championship sa November, ay gaganapin sa Jakarta, Indonesia kung saan asam ng mga Pinoy na ma-sweep ang naturang leg.

Sa unang leg sa Ho Chi Minh, Vietnam, nagkampeon si Reyes, at si Gallego naman sa Bangkok leg. (Butch Quejada)

BALL TOUR BOY SAMSON BUSTAMANTE BUTCH QUEJADA GANDY VALLE HO CHI MINH HSIA HUI-KAI LUAT MUHAMMAD ZULKIFRI RAMIL GALLEGO SAN MIGUEL ASIAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with