^

PSN Palaro

Pacman, tutungo ng Los Angeles

-
General Santos City -- Nag-jogging muna ng may 7.5 kilometro sa oval plaza sa puso ng lumang Da-diangas, nakipag-kamay sa mga kapit-bahay sa bisperas ng Mother’s Day ang Pinoy ring icon na si Manny Pac-quiao.

Nagdesisyon muna si Pacquiao na manatili pa ng isang araw dito upang maipagdiwang ang kaarawan ng kanyang ina na si Dionisia (Nene) sa Lunes bago tumulak sa Maynila patu-ngo sa Los Angeles sa ganap na alas-10 ng gabi.

Bago ang kanyang pag-alis bukas, sasalubungin niya ang kanyang mga well-wishers sa lobby ng Disco-very Suites sa Ortigas, Pasig ang opisyal na tirahan ng kanyang partido at ni Oscar Larios.

 "I am very happy to see my son train and jog daily, because he gets to be seen by his town-folks who love him dearly," ani Nanay Nene.     

Ang buong pamilya ni Pacquiao, mula sa kanyang ina, kapatid na panga-nay na si Isidra, Bobby na isa ring boksi-ngero at Rogel, na namamahala ng kan-yang Manny Pacquiao Promotions ay, nagpo-promote sa Pacquiao versus Larios sa, July 2 sa Araneta Coliseum -- ay may pabaon na matiwasay na pag-sasanay.

 "My only wish is a simple prayer, that Manny comes home safe and victorious on his next bout," anang kanyang ina. "He’s been a very dutiful son and I am very proud of him."      

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

DIONISIA

GENERAL SANTOS CITY

LOS ANGELES

MANNY PAC

MANNY PACQUIAO PROMOTIONS

NANAY NENE

OSCAR LARIOS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with