^

PSN Palaro

Sa bakasyunan ng SMC sa Baguio magsasanay si Pacquiao

-
Sa paghahanda ni Manny Pacquiao sa kanyang nalalapit na laban kay Oscar Larios sa July 2, kabilang ang pagsasanay ng Pinoy ring icon sa Baguio City.

Sa kanyang pag-akyat para sa masusi at mabigat na pagsasanay sa summer capital ng bansa sa Mayo, gagamitin ni Pacquiao ang pag-aari ng San Miguel Corporation.

Ito ay sa pagbabalik niya mula sa Amerika kung saan nakatakdang magsanay ang Pinoy idol sa loob ng apat na linggo. Nakatakdang magsanay si Pacquiao sa Baguio sa loob ng apat na linggo bago ang aktuwal na aksiyon sa Araneta Coliseum.

Magsasagawa ng ocular inspection ang Team Pacquiao sa pag-aari ng SMC sa susunod na linggo upang madetermina kung anong klase ng mga kagamitan ang kanilang kailangang iakyat sa Baguio mula sa Manila.

"First, we need a ring and then everything else that Manny needs for his training," wika ni Pineda. "It’s a well-secured place. And Manny will be confined there while training. He will probably go out only when he jogs. I believe Mr. (Eduardo or Danding) Cojuangco stays there when he’s in Baguio," ani Pineda.

Inaasahan ni Pineda si Larios at iba pang Mexican fighters na sasabak sa undercard, na darating sa bansa isang linggo bago ang laban. Ayon pa kay Pineda, pinupuntirya nila ang Diamond Hotel, EDSA Shangri-La o Crowne Plaza bilang tirahan ng mga dayuhang boksingero.

Tulad ni Pacquiao, hindi na nila kailangang umalis pa ng hotel para mag-train dahil maglala-gay ng ring sa hotel na kanilang mapipili.

Plano din ng Araneta Center na maglagay ng training ring sa Gateway Malls, na katabi lamang ng Big Dome.

Isa pang pag-aari ng SMC sa Tagaytay City ang inaalok ding maging training camp ni Pacquiao pero mas gusto ng 27 anyos na tubong Gen. Santos at ng kanyang American trainer na si Freddie Roach ang Baguio dahil sa high altitude at malamig na panahon.

ARANETA CENTER

ARANETA COLISEUM

BAGUIO CITY

BIG DOME

CROWNE PLAZA

DIAMOND HOTEL

FREDDIE ROACH

GATEWAY MALLS

PACQUIAO

PINEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with