^

PSN Palaro

Tams lusot sa pangil ng Tigers

-
Nakaligtas ang Far Eastern University sa mahigpit na hamon ng University of Santo Tomas nang kanilang maitakas ang 64-63 panalo upang makalapit sa twice-to-beat ad-vantage sa pagpapatuloy ng umiinit na eliminations ng UAAP seniors basketball tour-nament sa Ateneo Gym kahapon.

Matapos magmintis sina Jeff Chan at Arwind Santos sa kanilang easy baskets, siniguro ni Mark Isip ang kanyang follow-up upang ilagay sa trang-ko ang Tamaraws, 64-63 na naging tuntungan ng sa kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Ang semifinalists nang Tamaraws ay nakasiguro ng playoff para sa huling twice-to-beat advantage na pormal nilang aangki-nin kung makakakuha pa sila ng isa pang panalo.

Nagbunga ang pag-hahabol ng UST Tigers na nabaon ng 16-puntos, 33-49 sa ikatlong quarter nang kanilang agawin ang kalamangan 63-62 mula sa triple ni Allan Evangelista na siya rin sanang naging bayani ng Santo Tomas kundi la-mang nagmintis ang kanyang huling attemp sa huling dalawang segundo posesyon ng Tigers.

Bumangon naman ang Ateneo de Manila University sa kanilang nakakahiyang pagkatalo nang kanilang igupo ang National University, 70-65 sa unang laro na nagbi-gay sa kanila ng pag-asa sa twice-to-beat ticket.

Samantala, nakatak-dang desisyunan ngayon ng UAAP Board na mag-pupulong sa Casa Espa-ñol, ang kanilang kasagu-tan sa apela ng La Salle ukol sa pagbawi ng kani-lang nakaraang panalo laban sa East na siyang pinagkalooban ng tagumpay. (Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

ALLAN EVANGELISTA

ARWIND SANTOS

ATENEO GYM

CASA ESPA

FAR EASTERN UNIVERSITY

JEFF CHAN

KANILANG

LA SALLE

MANILA UNIVERSITY

MARK ISIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with