8th Asian Womens Softball Championship hahataw
December 12, 2004 | 12:00am
Inaasahang magkakaroon ng engrandeng araw ang mga paborito na kinabibilangan ng Philippine Blu Girls sa kanilang pakikipaglaban sa Thailand sa panimula ng 12-nation 8th Asian Womens Softball Tour-nament sa Rizal Ballpark.
Pangungunahan ng pangunahing hurler ng bansa na si Maria Corazon Soberre ang kampanya ng Blu Girls kontra sa Thai girls sa ganap na ala-una ng hapon, ng isa sa anim na nakatakdang laro ngayong araw.
Magaan din ang panimu-lang laban ng defending cham-pion China, Athens Olympics bronze medalist Japan, South Korea, North Korea at Chinese-Taipei sa torneong ito na magsisilbing Asian elimi-nations para sa 2007 World Championship sa Shanghai.
Makakalaban ng Chinese-Taipei ang Indonesia sa alas-10 ng umaga habang ang palagiang finalist at three-time titlist Japan naman ay makiki-pagtipan sa Hong Kong sa pambungad na salpukan sa alas-8 ng umaga.
Makikipagpalitan ng palo ang South Korea sa Singapore sa alas-3 ng hapon na susun-dan ng bakbakan ng Chinese-Taipei at India sa alas-5 ng hapon at sa pinakahuling laro naman maghaharap ang North Korea at Malaysia sa alas-7 ng gabi.
Magkakaroon naman ng simpleng seremonyas sa ganap na alas-12 ng tanghali kung saan mismong si World Softball Federation president Don Porter.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended