^

PSN Palaro

Cariaso balik sa piling ni Cone

-
Isa na namang ‘anak’ ni coach Tim Cone ang magbabalik sa tahanan ng Alaska. Nauna nang nagbalik si Bong Hawkins sa bakuran ng Aces at ngayon naman isa pang miyembro ng 1996 Grand slam team ng Alaska na si Jeffrey Cariaso ang magbabalik sa kanilang piling.

Isang sorpresang 2-on-3 trade ang isinelyo ng Alaska sa pakikipag-negosasyon sa Coca-cola Tigers para mabawi si Cariaso kasama si Reynell Hugnatan at ang future draft pick na hindi tinukoy.

Kapalit nito ay ang defensive expert na si Ali Peek at ang kapwa-Fil-Am na si John Arigo.

Muling magkakasama sa court sina Cariaso at Hawkins sa pakikipag-harap ng Alaska sa San Miguel Beer ngayong alas-4 ng hapon sa pag-papatuloy ng Gran Matador PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Inaasahang isasalang na rin ng Coca-cola sina Arigo at Peek sa kanilang laro kontra sa Fed Ex sa Miyerkules sa Big Dome.

Sa tampok na laro, haharapin naman ng Shell Turbochargers ang Barangay Ginebra sa alas-6:30 ng gabi kung saan tangka nila ang ikatlong sunod na panalo na magpapatatag sa kanilang kapit sa ikalawang puwesto.

Magsisilbing inspirasyon ng Turbochargers ang kanilang malaking panalo kontra sa San Miguel noong Miyerkules, 70-67 matapos ang 84-72 pamamayani laban naman sa Sta. Lucia Realty noong Oktubre 15.

Sa kaugnay na balita, inaasahang maghahain ng petisyon sina Davonn Harp at Mick Pennisi ng Red Bull para sa preliminary injunction na pipigil sa Bureau of Immigration na magsagawa ng summary deportation laban sa kanila at temporary restraining order upang makapaglaro muli ang dalawa.

Nag-file na rin ang dalawa ng petisyon para sa court order na balig-tarin ang desisyon ng Department of Justice na ireboka ang kanilang Certificate of Recognition.

Inaasahang ipa-file nina Harp at Pennisi sa pamamagitan ng kanilang abogado ang kaso sa Pasig Regional Trial Court.

Samantala, handa na si PBA commissioner Noli Eala na harapin ang kontrobersiyal na si Asi Taulava ng Talk N Text sa korte.

"It’s unfortunate that he has to resort to something like this but I admit he has the rights to pursue its legality and I’m ready to face him in court," ani Eala tungkol sa pagsasampa ng Tongan native ng P1.2M damage suit sa PBA commissioner.

Umapela na rin ang Coca-cola at Ginebra para kina Rudy Hatfield at Alex Crisano na kabilang sa anim na sinuspindi ni Eala matapos ideklara ng DoJ na Fil-shams ang mga ito.

Inaasahang magpa-file din ng injunction sina Hatfield at Crisano sa Manila RTC.

vuukle comment

ALEX CRISANO

ALI PEEK

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

BARANGAY GINEBRA

BIG DOME

BONG HAWKINS

BUREAU OF IMMIGRATION

CARIASO

INAASAHANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with