^

PSN Palaro

National kampeon sa China

-
NANAN, China -- Laban sa Hongkong, kinailangan ng Philippines ng milagro para manalo sa larong napakahalaga sa kanila.

Mula sa 20 point deficit sa fourth quarter naghabol ang Nationals tungo sa 90-86 panalo laban sa Hong Kong upang makopo ang titulo sa Zheng Chenggong Cup international invitational basketball tournament sa Nanan Sports Center dito noong Biyernes.

Mula sa 56-76 pagkakahuli sa pagsisimula ng fourth at final quarter, umiskor ang mga Pinoy ng 23 sunod na puntos at di nila pinaiskor ang Hong-kong ng pitong minuto upang baligtarin ang sitwasyon na siyang dahilan para manahimik ang pro-Chinese crowd na maaga pa’y nagdiriwang na.

Ang surpresang bayani ng RP Team ay si Britt Carlo Reroma, ang 5-7 na pinakamaliit na miyembro ng 12-man team na suportado ng FedEx at Burlington.

Gumanap din ng mahalagang papel ang mga veterans na sina John Ferriols, Ricky Ricafuente, Ryan Bernardo at Danny Capobres kasama ang newcomer na si Brian Ilad sa kanilang tagumpay.

vuukle comment

BRIAN ILAD

BRITT CARLO REROMA

DANNY CAPOBRES

HONG KONG

JOHN FERRIOLS

MULA

NANAN SPORTS CENTER

RICKY RICAFUENTE

RYAN BERNARDO

ZHENG CHENGGONG CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with