^

PSN Palaro

2 swimmer ng MSST humakot ng tig-6 golds sa MYG

-
Anim na golds bawat isa ang nilangoy ng tatlong swimmers mula sa Manila Sea Hawks Swimming Team (MSST) upang pangunahan ang dominasyon ng kanilang team sa unang araw ng kompetisyon sa swimming ng 2nd Manila Youth Games kahapon sa Rizal Memorial Swimming pool.

Sinimulan ng 6 yrs. old na si Mikee Bartolome, anak ng dating PBA referee na si Domingo Bartolome, ang pananalasa ng MSST tankers nang apat na gold medals ang kanyang ibinulsa sa girl’s 6 and under individual events at dalawa naman sa relay events.

Si Bartolome, na dinuplika din ang 7-gold medals ng kanyang nakatatandang kapatid na si April noong nakaraan taong edisyon, ay nanguna sa 50m backstroke, 50m butterfly, 50m freestyle at 50m breaststroke bago pinamunuan ang kanyang team 4x50m individual medley relay at 4x50m freestyle.

Nabigo naman ang 7 taong gulang na si April na umusad sa sumunod na age group level, ang girl’s 7-8 category na makakuha ng medalya nang ma-sweep ng kanyang kakamping si Judith Elizab ‘Inna’ Cruz ang lahat ng kanyang event para maging ikalawang swimmer mula sa MSST na sumungkit ng anim na gintong medalya.

Ang ikatlong swimmer naman na nagwagi ng anim na gold kahapon ay ang 14 anyos na si Thessa Paula Alcantara na nagwagi sa girl’s 14-15 50m butterfly, 50m freestyle, 50m back, 100m IM at 4x50m freestyle relay.

Sa boys division, ang 10 taong gulang na si Johanson Aguilar ng Skip-Jack Swimming Team ay nagwagi ng 5 golds kasunod ang 14 anyos na si Ken Uy na kinatawan naman ng PCA na may four golds at 1 silver.

Ang iba pang MSST swimmers na nagwagi ng gold medals kahapon saisang linggong youth sportfest na suportado ng PSC, PAGCOR, WG&A Superferry, Globe Telecoms, Viva Mineral Water, Power Aide, Victor Sports and Press Works ay sina Alethea Alcantara, Amir Lim, Jasmine Alkhadi, Fahad Alkhadi at Jesusa Infante.

vuukle comment

50M

A SUPERFERRY

ALETHEA ALCANTARA

AMIR LIM

DOMINGO BARTOLOME

FAHAD ALKHADI

GLOBE TELECOMS

JASMINE ALKHADI

JESUSA INFANTE

JOHANSON AGUILAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with