^

Bansa

’Worst-case’ sa VP Sara verdict binabantayan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
’Worst-case’ sa VP Sara verdict binabantayan
Vice President Sara Duterte arrives before the start of the impeachment trial at the Senate of the Philippines in Pasay, Metro Manila on July 7, 2026.
Noel Celis, pool / AFP

MANILA, Philippines — Inalerto ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang Philippine National Police (PNP) laban sa ‘worst case scenario’ kaugnay sa  magiging desisyon o hatol ng Senado sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Remulla na, anuman ang maging desisyon, magiging emosyonal ang magkabilang panig sa resulta ng paglilitis, kaya kailangang manatiling kalmado at neutral ang mga pulis upang maiwasan ang anumang komprontasyon.

Ayon kay Remulla, pangunahing tungkulin ng PNP na tiyakin ang kaligtasan ng publiko, panatilihin ang kaayusan at pigilan ang paglala ng tensiyon na maaaring mauwi sa karahasan.

Binigyang-diin nitong dapat na mapanatili ng  PNP ang kaayusan at iwasang kumampi sa alinmang panig sa gitna ng sensitibong usaping pampulitika. Tiniyak naman ni Remulla na nakahanda ang PNP sa anumang posibleng mangyari matapos ang verdict.

“We always expect the worst. Wala namang expect the best dito sa PNP. We always anticipate, we always prepare,” ani Remulla.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng kalihim ang mga pulis na manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin, lalo’t papasok na rin ang election cycle sa susunod na taon.

Maaalalang, target ng Senate Impeachment Court na maglabas ng desisyon sa impeachment trial ni Duterte sa Disyembre, bago ang nakatakdang holiday adjournment ng Kongreso.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with