^

PSN Palaro

Menk lalaro na sa Selecta-RP

-
Dahil nabaon na ang RP-Team Selecta bunga ng apat na sunod na pagkatalo, malaking tulong ang paglalaro ngayon ni Eric Menk upang makaahon sa pangungulelat ang National squad sa kasalukuyang elimination ng PBA-Samsung Governors Cup.

Makakaharap ngayon ng Selecta ang Sta. Lucia Realty sa nag-iisang laro sa Makati Coliseum sa ganap na alas-6 ng gabi kung saan nakataya ang ikalawang sunod na panalo.

Ngunit dahil kagagaling lamang ni Menk sa groin injury, hindi ito maaaring mapuwersa ng husto upang hindi magbalik ang dating injury gayunpaman, sabik na ang national coaching staff na makita itong maglaro.

"It’s really good for Menk to be back in the game. But we’ll only play him for a few minutes," pahayag ni National coach Jong Uichico. "We just want to see him play so that we can see how he fits into the team."

Ang paglalaro ni Menk ay inaasahang magiging remedyo sa muling pagkawala ng Fil-Am na si Jimmy Alapag na isang laro pa lamang naisasalang ngunit nagkaroon ng fracture sa kanang kamay.

Sa debut game ni Alapag na nakakuha na rin ng certificate of confirmation mula sa Department of Justice noong nakaraang linggo, nakapagtala ito ng isang puntos lamang dahil sa kanyang injury, tatlong linggo na naman itong mawawala.

Sa tulong ni Menk, inaasahang makakaahon ang Selecta sa 1-4 record tulad ng Shell Velocity at Sta. Lucia Realty na pare-parehong nangungulelat at bahagyang nakaangat lamang ang Sta. Lucia na may 1-3 record.

Mabigat na hamon ang tatanggapin ng RP team sa dalawang reinforcement ng Realtors na sina Victor Thomas at Mark Anthony Davis lalo pa’t gigil ang Realtors na makabangon sa kanilang dalawang sunod na pagkatalo.

Inaasahang muling pangungunahan ni Paul Asi Taulava ang Selecta na galing sa 72-89 pagkatalo kontra sa Purefoods TJ Hotdogs sa ikalawang out-of-town game ng PBA sa Balanga, Bataan noong Biyernes.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERIC MENK

JIMMY ALAPAG

JONG UICHICO

LUCIA REALTY

MAKATI COLISEUM

MARK ANTHONY DAVIS

MENK

PAUL ASI TAULAVA

SELECTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with