^

PSN Palaro

Dolphins yuko sa Cardinals

-
Determinasyon ang naging puhunan ng Mapua Cardinals sa pagposte ng kanilang ikalimang panalo upang palakasin ang kanilang kampanya sa pagbubukas ng second round makaraang payukurin ang host Philippine Christian University ng 76th season ng NCAA seniors basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Sumandig ang Cardinals sa eksplosibong opensa nina Jeffrey Martin at Erwin Sta. Maria nang kumamada ng tig-13 puntos upang ihatid ang Intramuros-based dribblers sa kanilang paghihiganti matapos na hiyain ng Dolphins, 63-58 ng una silang magharap.

Ang kabiguang ito ng Dolphins ang nagbaon sa kumplikadong katayuan sanhi ng 2-6 record.

Humatak din sina Martin ng tig-anim na rebounds at tig-apat na assists na nakakuha ng suporta mula kay Steve Marucot na tumapos ng 12 puntos.

Siniguro ng Cardinals na di mauwi sa wala ang kanilang pinagpagurang 68-60 kalamangan bagamat tinangkang ibaba ng Dolphins ang kalamangan ng Mapua sa 61-68, may 1:07 ang oras.

Mula dito, naging matatag ang Cardinals nang iselyo ni Sta. Maria ang panalo sa pamamagitan ng kanyang anim na puntos para sa final tally.

Dinuplika naman ng Red Robins ang tagumpay ng kanilang senior counterpart nang kanilang igupo ang Baby Dolphins, 63-58.

vuukle comment

BABY DOLPHINS

DETERMINASYON

DINUPLIKA

ERWIN STA

JEFFREY MARTIN

MAPUA CARDINALS

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RED ROBINS

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

STEVE MARUCOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with