^

PSN Palaro

Purefoods vs Shell sa Lipa gym

-
Darating ngayon sa Lipa City ang Purefoods TJ Hotdogs na magtatangkang maisukbit ang kanilang ikatlong dikit na panalo sa All-Filipino Cup kontra sa Shell Velocity upang paghandaan ang kanilang laban bukas sa La Salle-Lipa gym.

Pangungunahan nina Alvin Patrimonio, isang four time MVP at Benjie Paras na natatanging Rookie at MVP ng liga ang kanila-kanilang koponan sa ikalawang out-of-town game.

Nakatakdang sumama sina Paras at Patrimonio kasama ang kani-kanilang koponan sa isang motorcade na nakatakda pagpasok pa lamang ng mga koponan sa Batangas patungo sa kani-kanilang hotel.

Nakatakda ang laro bandang alas-5 ng hapon sa La Salle Lipa gym at ang mga tickets ay kasalukuyan nang mabibili.

Tangka ng Hotdogs na makamit pansamantala ang solong liderato kontra sa Turbochargers na nalimita lamang ng Batang Red Bull sa anim na puntos sa kanilang laban noong Miyerkules na dahilan upang malasap ang 1-1 win-loss slate.

Lima pang out-of-town game ang nakatakda sa All-Filipino Cup kung saan ang tournament ay tutungo sa Iloilo, Bago City, Pampanga, Laoag at Malolos. Sa unang out-of-two game tinalo ng Barangay Ginebra ang Tanduay sa Urdaneta, Pangasinan noong nakaraang Linggo.

vuukle comment

ALL-FILIPINO CUP

ALVIN PATRIMONIO

BAGO CITY

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

BENJIE PARAS

LA SALLE LIPA

LA SALLE-LIPA

LIPA CITY

SHELL VELOCITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with