^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa beauty queen, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa pagpatay sa beauty queen, timbog
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Matapos ang halos siyam na buwang pagtatago, natimbog na ng pulisya ang suspek sa pamamaslang kay Miss Philippines Earth 3r runner up Lullete Jane Ramilo sa Cainta, Rizal kahapon. 

Sa ulat, ang 30-anyos na lalaking suspek, residente ng Cabagan, Isabela, ay natunton at nadakip sa Felix Avenue, Barangay San Isidro dakong alas 11:10 ng umaga nitong Nobyemre 23.

Sinabi ni Isabela Police Director, P/Col. Manuel Bringas na nagtago muna ang suspek sa San Vicente, Apalit, Pampanga, at lumipat sa Cainta, kung saan siya sinilbihan ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Judge Leif John Robino ng Isabela RTC, nang walang inirekomendang piyansa.

Nakapiit na sa San Manuel Police Station ang suspek habang hinihintay pa ang commitment order.

Sa record ng pulisya, ang nasabing beauty queen, 32 anyos, ay pinagbabaril sa loob ng sasakyan, na nagawa pa niyang koberan sa pamamagitan ng pagyakap sa dalawang mas nakababatang anak, habang ang isa ay nasa unahang bahagi ng sasakyan noong Peb. 14, 2026, sa labas ng gate ng kanilang bahay.

Samantala, sa Facebook post ng asawa na si Clifford Dela Cruz, may dalawa pa umano na gunmen ang at-large at ang naaresto ay isang look-out, at nais niyang madakip ang iba pang nasa likod ng krimen.

“Kinasuhan ako nang patago (no due process) habang nagwo-work ako abroad, pinatay ang asawa ko, sinerved arrest warrant on the next day, nagbail ako sa korte after 2 days, pilit akong gustong palabasing mastermind, binigyan ako ng Hold Departure Order at patuloy pa rin akong gustong idiin…. in the background of a simple school bullying complaint na kami na nga agrab­yado sa aggressor na anak nila. Na ito namang school p­rincipal at assistant principal ni-released supposed to be confidential letter thru FB messenger sa parents ng aggressor,” ayon kay Dela Cruz sa post.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with