^

PSN Opinyon

Diplomasya para sa ordinaryong Pilipino

SEY NI MANONG JOE - Joe Zaldarriaga - Pilipino Star Ngayon

Sa katatapos na ASEAN Summit, naging abala ang Metro Manila sa pagsasaayos ng trapiko, seguridad, at mga lugar na pagdarausan ng pagpupulong. Ngunit para sa ordinaryong­ Pilipino, isang tanong ang mahalagang sagutin: Ano nga ba ang pakinabang natin dito?

Para sa akin, simple lamang ang sukatan ng matagumpay na diplomasya: May dagdag bang trabaho, mas malaking­ kita, at mas magandang buhay para sa ating mga kababayan?

Mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa, lalo na sa Timog-Silangang Asya na patuloy na lumalago bilang sentro ng kalakalan at pamumuhunan. Ngunit hindi sapat ang mga kasunduan at pakikipagkamay ng mga lider kung hindi naman ito mararamdaman ng karaniwang mamamayan.

Dito mahalaga ang pagsusulong ng mas maraming opor­tunidad para sa micro, small and medium enterprises o MSMEs na bumubuo sa malaking bahagi ng mga negosyo sa Pilipinas.

Isipin natin ang isang gumagawa ng muwebles sa Cebu na makakakuha ng bagong kostumer sa ibang bansa, o negos­yante sa Davao na makapagpapalawak ng kaniyang merkado. Kapag lumago ang kanilang negosyo, mas maraming mang­gagawa ang maaaring matanggap at mas maraming pamil­yang makikinabang.

Ngunit kailangang sabayan ang mga kasunduan ng kon­kretong aksyon. Dapat bawasan ang red tape, palakasin ang suporta sa maliliit na negosyo, at tiyaking may sapat na kasa­nayan ang mga manggagawa upang mapakinabangan ang mga oportunidad.

Higit sa lahat, nais nating magkaroon ng sapat na oportu­nidad dito sa sariling bayan upang hindi na kailangang mangi­bang-bansa ang mga Pilipino para lamang mabigyan ng ma­gandang kinabukasan ang kanilang pamilya.

Sa pagtatapos ng ASEAN Summit, hindi rami ng kasunduan o delegasyong dumalo ang dapat nating bilangin. Ang tunay na sukatan ng diplomasya ay kung gaano karaming buhay ng Pilipino ang napabuti nito.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with