Police major, timbog sa holdap!
AYAW tumigil talaga nitong mga tiwaling pulis. Kaya’t may ididismis na naman si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na pulis na sangkot sa kasong robbery. At mga kosa, may ranggo na itong major. Isinugal ni major ang kanyang bright future at ng kanyang pamilya sa kapiranggot na pitsa. Get’s n’yo mga kosa? Ano pa nga ba?
Kung sabagay, hindi na bright ang future ni major dahil naka-assign ito sa Police Holding and Administrative Branch ng CIDG, kung saan ang mga pulis ay kadalasang may kaso o naka-schooling. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Itong si major mga kosa ay positibong itinuro ng negosyanteng si alyas Edison at isang pulis na humoldap sa kanila sa harap ng convenience store sa William Shaw St. Bgy. 87, East Grace Park sa Caloocan City. May kasama pa itong siyam na kalalakihan.
Tinangay ng tropa ni major ang isang Honda ADV 160 motorsiklo, isang iPhone 15 Pro Max, dalawang Android fones, isang CZ Shadow 2 9mm pistol, at isang gold bracelet na nagkakahalagang P700,000.
‘Yan mga kosa, ang kapalit ng malaking suweldo ni major sa PNP, at hindi pa kasali d’yan ang milyones sana na retirement benefits n’ya. Araguyyyyy!
Kapag nadismis s’ya, zero balance s’ya sa PNP at higit sa lahat baka tumagal s’ya sa likod ng rehas na bakal sa kriminal na aspeto ng kaso n’ya. Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sinabi sa report na itong biktima ang kasamang pulis ay nagbebenta ng gold bracelet at itong tropa ni major ang sumagot sa alok nila. Una nilang napagkasunduan na magkita sa harap ng fastfood chain sa EDSA sa Caloocan City at nalipat ito kalaunan sa William Shaw St. nga.
Hindi pa uminit ang puwetan nina Edison at pulis, nang biglang sumulpot itong tropa ni major sakay ng isang itim na Sedan at mga motorsiklo, tinutukan ng baril ang mga biktima at pinadapa sabay tangay ng kanilang gamit. Dipugaaaaa! Isinakay ang dalawang biktima sa sasakyan ng mga suspects, pinaikot-ikot tsaka ibinaba sa C.P. Ave. sa UP Diliman.
Nag-coordinate si Col. Joey Goforth, Caloocan police chief, kay CIDG director Maj. Gen. Robert Morico ll at itinuro si major sa isang police line-up. Paktay kang bata ka! Mga kosa, ‘wag kumurap! May binabanggit na police captain ng NCRPO sa kaso. Sanamagan! Abangan!
- Latest
















