^

PSN Opinyon

Ang krusyal na hatol sa Nobyembre

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

Sa pagpasok ng huling linggo ng Nobyembre,hindi lamang ang malamig na simoy ng Pasko ang mararamdaman ng bansa, kundi ang nagbabagang init ng politika sa loob ng Senado.

Target ng Senado na tuldukan ang impeachment trial sa katapusan ng Nobyembre.Ngunit habang papalapit ang naturang takdang-panahon,dumarami ang nagtatanong: Katarungan nga ba ang mangingibabaw, o ang laro ng mga numero at politikal na interes sa likod ng kurtina?

Matatandaang binago ng Senate Impeachment Court ang panuntunan sa botohan, kung saan hindi na ibabase ang two-thirds vote sa kabuuang 24 na senador kundi sa mga kwalipikado at aktwal lamang na makakalahok.

Ang hakbang na ito ay naging mitsa ng matinding debate, hindi lang sa loob ng plenaryo kundi maging sa Korte Suprema.

Ito ang buwan na itinakda ng Senate Impeachment Court upang maglabas ng pinal na desisyon kung nagkasala o mapapawalang-sala si Vice President Sara Duterte sa mga seryosong paratang gaya ng maling paggamit ng pampublikong pondo.

Hindi ordinaryong buwan ang katapusan ng Nobyembre; ito ang magsisilbing resibo kung tunay nga bang umiiral ang pananagutan (accountability) sa ating pamahalaan.

Sa bawat araw ng paglilitis na dumaan,nakita natin ang banggaan ng mga ebidensya mula sa prosekusyon—gaya ng mga bank at AMLC records—at ang depensa ng kampo ng Bise Presidente.

Ang hatol ng mga senator-judge ay lilikha ng kasaysayan: magpapadala ba ito ng mensahe na walang sinuman ang mas mataas sa batas, o muli nating makikita ang pangingibabaw ng personal na alyansang politikal sa kapinsalaan ng pera ng bayan?

Kung ma-convict si VP Sara, ito ang pormal na pagtatapos ng kanyang terminong pampolitika at posibleng ­diskwalipikasyon para sa darating na 2028 presidential elections.

Kung maabswelto naman siya dahil sa solidong suporta ng kanyang mga kaalyadong senator-judges, ito ay magiging malaking bala para sa kanyang kampo upang isigaw na siya ay biktima lamang ng politikal na panggigipit.

Ang katapusan ng Nobyembre ay hindi lang magpapasya sa kapalaran ng isang tao—ito ang magdidikta sa magiging direksyon at bagong mapa ng politika sa Pilipinas.

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with