Gen. Baccay, wawalisin ang droga sa Southern Luzon!
Nagbabanta si PRO4-A director Brig. Gen. Dominic Baccay na wawalisin n’ya ang problema ng ilegal na droga sa nasasakupan n’ya. Maisakatuparan ang pangako n’ya, ani Baccay, sa pamamagitan ng pagpalakas ng ugnayan sa komunidad, LGUs at iba pang stakeholders. “Hindi kami titigil sa pagtugis sa mga sangkot sa illegal na droga. Hahanapin namin kayo, at pananagutin sa ilalim ng batas,” ayon kay Baccay. Nanawagan si PRO4-A director sa kanyang mga provincial directors at support units na lalong paiigtingin ang kanilang operasyon vs sindikato ng droga hanggang tuluyang maputol ang ilegal na gawain nila. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Bilang sampol naman, nagsagawa ng 261 na operasyon kontra droga ang mga tauhan ni Baccay mula September 21 hanggang September 27. Naaresto ang 281 suspects at nakumpiska ang 849.33 gramo ng droga, 25.83 gramo ng marijuana, at 173.70 gramo ng kush. Ayon sa Dangerous Drugs Board, tinatayang aabot sa P6 milyon ang halaga ng mga nakalap na ebidensiya. Wow na Wow. Ayon kay Baccay, patuloy na paiigtingin ng PRO 4A ang mga operasyon laban sa illegal na droga, kasabay ng pagpapalakas ng ugnayan sa mga komunidad, upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad sa buong rehiyon. Purbidang yawaahhhhh! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Nanguna ang Laguna PPO sa numero ng naarestong lulong sa droga na may 82 katao. Samantala, nagtala ang Rizal PPO ng pinakamalaking dami ng nakumpiskang droga na umabot sa 372.95 gramo, habang ang Cavite PPO naman ang nanguna sa kumpiskadong marijuana na mayroon na 14.17 gramo. Pinakamalaking nakumpiskang marijuana kush ang naitala sa Batangas PPO na may *137.24 gramo. Sa kabuuang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga, nanguna rin ang Rizal PPO na may tinatayang P2,563,556.80*, sinundan ng Cavite PPO na may P1,478,304.40. Walang kokontra ha? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Inamin ni Baccay na malaki ang naitulong sa kanilang accomplishments vs droga ang police visibility, at kaakibat nitong maagap na magtugon, pakikipagtulungan sa komunidad at pagpapatatag ng tiwala ng publiko sa kapulisan. Dipugaaaa!
“Ang mga hakbang na ito ay nakaangkla rin sa Focused Agenda ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., partikular sa patuloy na pagsugpo sa illegal na droga at pagpapanatili na ligtas, mapayapa, at maayos na mga komunidad,” ayon pa kay Baccay. Abangan!
- Latest
















