^

Probinsiya

Boarding house nasunog: 2 estudyante patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Boarding house nasunog: 2 estudyante patay
Sinubukan pang isugod sa Legazpi City Hospital ang walang malay na mga biktimang sina Jer, residente ng Brgy.Tablak, Matnog, Sorsogon at Willy, ng Masbate City, Masbate pero kapwa sila ideneklarang dead-on-arrival.
STAR / File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang dalawang estudyante habang isa pa ang sugatan matapos ma-trap sa nasusunog na boarding house sa Purok 1, Sitio Pag-asa, Brgy. Ra­wis, Legazpi City, Albay kama­kalawa ng mada­ling araw.

Sinubukan pang isugod sa Legazpi City Hospital ang walang malay na mga biktimang sina Jer, residente ng Brgy.Tablak, Matnog, Sorsogon at Willy, ng Masbate City, Masbate pero kapwa sila ideneklarang dead-on-arrival.

Nagtamo umano ng 2nd degree burn at ilang sugat sa katawan ang mga biktima. Patuloy namang nilalapatan nang lunas ang sugatan ding si Jan, 18-anyos, residente ng Brgy. Ra­wis, Libon, Albay. Lahat sila ay estudyante ng kalapit na Mariners Polytechnic Colleges Foundation-Legazpi City.

Sa ulat, dakong ala-1:48 ng madaling araw nang biglang magliyab ang katabing Law Office at nasunog ang tatlong kotseng nakaparada sa tabi nito. Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang tinutulu­yang boarding house ng mga estudyante na nasa kasarapan ng tulog.

Ayon kay Fire Senior Inspector Mark Kevin Marqueses, mabilis ­silang nakapag-responde makaraang matanggap ang tawag dakong alas-2:26 ng madaling araw at nai­deklarang fire out mag-a-alas-3 na ng madaling araw.

Sa retrieval operation, natagpuan ang mga biktima sa loob ng nasunog na bahay na walang malay at agarang isinugod sa pagamutan, pero idineklarang kapwa patay.

Problema sa kur­yente ang tinitingnan ng BFP na naging sanhi ng sunog.

LEGAZPI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with