^

PSN Opinyon

Dahilan ng paghilik

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

HALOS 50% sa atin ay humihilik paminsan-minsan. Ang paghilik ay nangyayari kapag ang hangin na iyong hininga habang natutulog ay naharang sa iyong lalamunan. Ito ang dahilan para ang iyong lalamunan ay mag-vibrate o gumawa ng malakas na tunog.

Mga dahilan ng paghilik:

1. Mouth Anatomy—Habang natutulog, ang mga muscles­ sa iyong bibig (palate), dila at lalamunan ay naka-relax, at maaaring bahagyang makaabala sa daanan ng iyong hini­nga. Ang pagkakaroon ng mababa at makapal na palate o lumaking tonsils o laman sa likod ng iyong lalamunan ay maaaring makapagpakitid sa daanan ng hangin. Ang sobra sa timbang ay nakadaragdag para maging makitid ang daanan ng hangin.

2. Problema sa ilong—Ang malalang pagbabara ng ilong o ang baluktot na pagkakahati sa butas sa ilong (deviated nasal septum) ay maaaring dahilan ng paghilik.

3. Sleep Apnea—Ang paghilik ay maaaring nauugnay sa obstructive sleep apnea. Inilalarawan ito sa pamamagitan ng malakas na hilik na sinusundan ng katahimikan na ma­aaring tumagal ng 10 segundo o higit pa. Sa ganitong ser­yosong kondisyon ang daanan ng iyong hininga ay napipigil o lumiliit na ang hangin na iyong nalalanghap ay hindi na sapat para sa iyong kailangan. Kumunsulta sa pulmo­nologist.

4. Pag-inom ng alak—Ang paghilik ay maaaring dala ng sobrang pag-inom ng alak bago matulog. Ang alak ay nagpapa-relax ng muscle ng lalamunan at binabawasan ang iyong likas na panlaban sa pagharang ng mga daanan ng hangin.

Payo: Kumunsulta sa doktor kung ang paghilik ay nagdudulot ng hirap na paghinga sa gabi, pananakit ng ulo sa umaga, sobrang antok sa umaga, pamamaga ng lalamunan, high blood, at iregular na pagtibok ng puso.

(Mula sa kolumnista: mahigpit na ipinagbabawal ang pagkopya, mapa-online, YouTube at iba pang channel ang artikulong ito.)

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with