^

PSN Opinyon

Makati, bagong disaster cluster lead ng CityNet

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Proud Makatizens, may bagong achievement na naman ang Makati this week! Ang ating lungsod ang napiling bagong lider ng Disaster Cluster ng CityNet para sa susunod na apat na taon. Ang CityNet ang pinakamalaking asosasyon ng urban stakeholders na nagsusulong ng sustainable deve­lopment sa Asia Pacific region. Binubuo ito ng 173 munici­palities, NGOs, mga pribadong kumpanya at research centers.

Nitong September ay nagpulong ang Disaster Cluster kung saan naging co-lead ang Makati sa nakaraang apat na taon. Bago pa mag-meeting ay nagpahiwatig na tayo ng ating­ interes na muling magsilbi sa Disaster Cluster at sa pamu­nuan ng CityNet. Pinalad din ang Makati na muling mahalal bilang­ Vice President ng CityNet para sa taong 2023-2026, kasama ang lungsod ng Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa ginanap na 9th CityNet Congress sa Kuala Lumpur nitong September 20 to 23, 2022, ay pormal na ngang ina­nunsyo ang ating mga bagong katungkulan sa organisasyon­. Tayo rin ang President City ng CityNet National Cluster sa Pilipinas kung kaya naman dapat pang palakasin at pala­wakin ang mga programa para sa sustainability at pagba­bahagi ng best practices natin tungkol sa disaster risk reduction and management sa ibang mga lokalidad.

Pinu-push din natin na ma-certify bilang kauna-unahang­ Resilience Hub sa bansa at sa Southeast Asia (at ikala­wa sa Asia-Pacific region) para magsilbing inspirasyon sa pag­su­sulong ng disaster risk reduction and climate action plans. Sa nakaraang mga taon, nagsilbing model city ang Makati sa ibang mga lungsod pagdating sa best practices sa disaster risk reduction and management, climate action, at sustaina­bility.

Madalas nating ibinabahagi sa mga international seminars at fora ang mga plano at mga hakbang na ating na-implement para maging tunay na resilient at sustainable. Tumutulong din tayo sa ibang mga lungsod para makapagsimula rin silang gumawa ng sarili nilang mga programa at plano para maging handa sa mga disaster at emergency. Hindi madaling gawin ang mga ito lalo na kung kulang sa kaalaman at suporta. Kaya naman nakaalalay ang CiyNet sa lahat ng miyembro nito para maging mas magaan at mabilis ang pagpapatupad ng mga pagbabago.

Mula sa lungsod ng Makati, nais naming magpasalamat sa CityNet sa patuloy na pagtitiwala sa ating kakayahang mamuno at maglingkod. Makaaasa po kayo na hindi lamang Makati ang magiging disaster-ready, sustainable at resilient, kundi maging ang mga kalapit-lungsod sa bansa at sa buong rehiyon.

vuukle comment

PROUD MAKATIZENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with