^

PSN Opinyon

Pinaka-mabisang paraan para gumanda

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ayon kay Dr. Katty Go, isang magaling na dermatologist, mayroon mabisang paraan para malunasan ang mga sakit sa balat. Ayon sa pagsusuri, ang taong masayahin ay mas hindi nagkakasakit sa balat.

Ang pagiging masaya ay dagdag pa sa pangkaraniwang payo para gumanda tulad ng pag-iwas sa araw, pag­gamit ng sunscreen, pagkain ng prutas at gulay at pag-inom ng walong basong tubig araw-araw.

Be happy. Maraming sakit ang malulunasan ng pagiging masaya at pagbawas sa stress. Kabilang dito ang mga sumusunod:

1. Eczema – Ang eczema ay isang pamamaga sa balat na lumalala kapag kinakamot ito. Kapag inis tayo at hindi natin ito nailalabas, puwede ito lumabas bilang eczema sa katawan. Kapag masaya ka, mas mabilis gumaling ang eczema.

2. Psoriasis – Lumalabas ang pantal ng psoriasis kapag nagalit ang pasyente. Napatunayan sa pagsusuri na ang galit ay nag-trigger ng “flare-up” ng psoriasis dahil humi­hina ang immune system.

3. Kulubot sa mukha – Kapag galit o inis tayo, lalong kukulubot ang ating mukha. Lalalim ang kulubot sa noo, pagitan ng kilay at tabi ng bibig.

4. Maitim na balat – Ang dahilan ng pangingitim ng balat ay ang pag-kuskos at pagkamot. Kapag emosyonal tayo, hindi natin namamalayan na kinakamot na natin ang ating balat. Dahil dito, magsusugat ito ay mangingitim.

5. Tagihawat – Ang tagihawat ay lumalala kapag stressed at puyat. Kapag masaya tayo, mas mababawasan din ang tagihawat.

6. Balakubak  – Ang sanhi ng balakubak ay isang fungus, na tinatawag na “pityrosporum ovale”. Ang balakubak ay mas kumakapal at nangangati kapag stressed ang tao.

Tandaan: Kapag naiinis ka sa iyong sakit sa balat. Lalong lalala ang iyong sakit. Kahit ano pa ang ipahid mo sa iyong balat, kapag mainit ang iyong ulo, ay hindi pa rin gagaling­ iyan. Kaya “be happy” na para tuluyang gumanda ang balat.

KATTY GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with