^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nadagdagan ang bilang ng mga walang makain

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nadagdagan ang bilang ng mga walang makain

Ayon sa September 2026 survey ng Social Weather Stations (SWS), umakyat sa 22.6 percent ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom at walang makain.

Mas mataas umano ito sa 20.3 percent na naitala noong nakaraang Hunyo 2026.

Ayon pa sa SWS survey, tumaas din ang severe hunger mula 4.5 percent tungong 6.4 percent.

Sa mga nagsabing mahirap ang kanilang pamilya, tumaas ang hunger rate mula 24.5 percent tungong 27.9 percent.

Hindi lang ito simpleng numero sa survey.

Ibig sabihin nito, mas maraming pamilya ang napipilitang pumalya sa pagkain dahil walang maihain sa kanilang hapag.

Kasabay sa kawalan ng makakain ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin—bigas, isda, karne, sardinas, gatas noodles, at iba pa.

Noong nakaraang Setyembre, umabot sa 7.2 percent ang overall inflation. Umakyat sa 6.7 percent ang food inflation, habang nasa 20.3 percent ang inflation sa bigas.

Mas mabigat ang epekto sa mga pamilyang isang kahig, isang tuka. May kakainin ngayon pero bukas o sa makalawa, hindi alam kung saang kamay ng Diyos sila kukuha.

Maraming kakarampot ang kita ang nagdaranas ng gutom. Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa inaalis ang TRO sa pagpapatupad ng wage increase sa Metro Manila. Patuloy ang protesta para ipatupad na ang umento sa sahod.

Ipinagkaloob naman ang wage increase sa ibang rehiyon sa bansa noong nakaraang buwan. Kasama sa increase ang mga kasambahay.

Mas mahalagang tanungin kung bakit, kasabay nang mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin, mas maraming pamilya ang nakararanas ng gutom o hindi na kumakain.

Ang pag-unlad ay mahirap ipagmalaki kung hindi nito napoprotektahan ang mga pamilya laban sa pagkawala ng pagkain sa hapag.

Kailangan ang agarang ayuda sa mga pamilyang pinakatinatamaan, pero hindi iyon dapat ang tanging sagot. Kailangang mapanatiling sapat ang supply ng pagkain, mapababa ang gastos sa transportasyon at produksiyon, masuportahan ang mga magsasaka, at maprotektahan ang pinakamahihirap laban sa panibagong price shock.

Sa huli, ang pag-unlad ay dapat maramdaman sa pinakapayak na paraan: kung may sapat na pagkain at hindi kailangang magpalipas ng gutom ang isang pamilya. Sana maramdaman ng mga namumuno ang hapdi ng sikmura ng mga isang kahig, isang tuka. Makagawa sana sila nang pangmatagalang solusyon para maiwasan nang nakararami ang pagrerebelde ng bituka.

SWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with