^

PSN Opinyon

Lahat ng politico madaya – Lito Lapid

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Lahat ng politico madaya – Lito Lapid
Lahat ng politico madaya – Lito Lapid SAPOL Jarius Bondoc Bihira lang magtanong si Senator-Judge Lito Lapid. Kaya taimtim ang madla nu’ng usisain niya si Atty. Karen Batu, officer-in-charge ng Ombudsman central records division. Paksa nila nu’ng Sept. 15 ang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth ng mga opisyales at empleyado ng gobyerno. “Walang politiko o sinomang nagtatrabaho sa gobyerno ang nagsusumite ng totoong SALN,” ani Lapid. Napanood daw niya sa telebisyon na sinabi ng isang abogado, “kalokohan kung magsabi sila ng totoo sa SALN.” Totoo ang mga SALNs niya. Tanggal sa pwesto ang sinomang magsinungaling sa SALN, ayon sa 1989 Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Kung sakaling inosenteng nagkamali ang nag-file, maari itong iwasto sa susunod na SALN niya. Dalawang bahagi ang pahayag ni Lapid. Ang una – na mandaraya umano sa SALNs ang mga politiko – ay tunay. Ang ikalawa – na lahat umano ng nagtatrabaho sa gobyerno ay mandaraya – ay mali. Sanay manloko ang karamihan sa 18,000 politiko. Sa kampanya pa lang ay puro sila pangakong napapako. Tinuturuan pa ng magulang na politiko ang anak na magsinungaling sa politika. Kasinungalingan ang unang uri ng pandaraya. Walang kurap kung magsinungaling ang politiko sa SALN. Itinatago ang totoong yaman kasi malamang na kinulimbat ito. Pero mas maraming matuwid sa dalawang milyong empleyado ng gobyerno. Hindi nakakagulat na ang simpleng guro ay dinedeklara sa SALN pati ang niregalo sa kaniya na bagong pares ng sapatos. Hindi nakakagulat na ang ordinaryong clerk ay dinedeklara sa SALN ang bagong ipinatahing barong tagalog o saya. Walang rason magkunwaring mahirap ang maliliit na empleyado. Ipinagmamalaki pa nga nila ang munti nilang ari-arian.
STAR / File

Bihira lang magtanong si Senator-Judge Lito Lapid. Kaya taimtim ang madla nu’ng usisain niya si Atty. Karen Batu, officer-in-charge ng Ombudsman central records division. Paksa nila nu’ng Sept. 15 ang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth ng mga opisyales at empleyado ng gobyerno.

“Walang politiko o sinomang nagtatrabaho sa gobyerno ang nagsusumite ng totoong SALN,” ani Lapid. Napanood daw niya sa telebisyon na sinabi ng isang abogado, “kalokohan kung magsabi sila ng totoo sa SALN.”

Totoo ang mga SALNs niya. Tanggal sa pwesto ang sinomang magsinungaling sa SALN, ayon sa 1989 Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Kung sakaling inosenteng nagkamali ang nag-file, maari itong iwasto sa susunod na SALN niya.

Dalawang bahagi ang pahayag ni Lapid. Ang una – na mandaraya umano sa SALNs ang mga politiko – ay tunay. Ang ikalawa – na lahat umano ng nagtatrabaho sa gobyerno ay mandaraya – ay mali.

Sanay manloko ang karamihan sa 18,000 politiko. Sa kampanya pa lang ay puro sila pangakong napapako. Tinuturuan pa ng magulang na politiko ang anak na magsinungaling sa politika. Kasinungalingan ang unang uri ng pandaraya. Walang kurap kung magsinungaling ang politiko sa SALN. Itinatago ang totoong yaman kasi malamang na kinulimbat ito.

Pero mas maraming matuwid sa dalawang milyong empleyado ng gobyerno. Hindi nakakagulat na ang simpleng guro ay dinedeklara sa SALN pati ang niregalo sa kaniya na bagong pares ng sapatos. Hindi nakakagulat na ang ordinaryong clerk ay dinedeklara sa SALN ang bagong ipinatahing barong tagalog o saya.

Walang rason magkunwaring mahirap ang maliliit na empleyado. Ipinagmamalaki pa nga nila ang munti nilang ari-arian.

LITO LAPID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with