^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin kapag hindi matunawan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang indigestion (hindi matunawan) ang pangkalahatang tawag sa hindi komportableng pakiramdam sa sikmura.

Ang indigestion ay hindi isang sakit ngunit ito ay pagpapakita ng sintomas tulad ng hindi matunawan, hirap sa pag-dighay, pagkahilo, at pagka-impatso pagkatapos kumain.

Maraming dahilan ang indigestion. Ang iba ay dahil sa kanilang lifestyle sa sobrang pagkain at iniinom na alak. Ang labis na pag-aalala, paninigarilyo, emotional trauma, mabilis na pagkain, at kondisyon gaya ng ulcer o gallstones (bato sa apdo) ay maaari ring dahilan ng indigestion.

Kung minsan ang taong may indigestion ay nakararanas din ng heartburn o pangangasim ng sikmura.

Para maiwasan ang indigestion, gawin ang mga sumu­sunod:

• Kumain ng pakonti-konti ngunit mas madalas. Kumain ng mas maraming gulay at prutas. Nguyain ang pagkain ng mabuti at dahan-dahan.

• Iwasan ang mga “trigger foods”. Ang karaniwang nagdudulot ng indigestion ay ang matataba at maaanghang na pagkain, soft drinks, kape, pag-inom ng alak at paninigarilyo.

• Panatilihin ang tamang timbang. Ang sobrang timbang ay naglalagay ng pressure sa iyong sikmura at maaaring maging dahilan ng stomach acid para umakyat sa lalamunan.

• Mag-ehersisyo nang madalas. Ang pag-ehersisyo ay malaking tulong para hindi tumaba at umayos ang iyong panunaw.

• Limitahan ang stress. Magkaroon ng sapat na tulog­. Maglaan ng oras sa mga bagay na gustong gawin. Maaari rin mag-meditate o mag-yoga.

• Suriin ang iyong mga gamot. Sumunod sa payo ng doktor kung kinakailangang inumin ang gamot. Ngunit ang gamot tulad ng aspirin at pain relievers (gamot sa kirot) ay puwedeng makairita at makasira sa lining ng sikmura. Kung kailangan talaga inumin ang gamot, kumain muna bago uminom ng gamot para mabawasan ang hapdi.

• Uminom ng herbal tea na may peppermint. Mayroong mga taong nagiginhawahan sa pag-inom ng peppermint, ngunit hindi pa ito tiyak. Puwede namang subukan.

• Kung hindi lamang natunawan, hindi dapat mag-alala. Kumunsulta sa doktor kung ang indigestion ay mahigit dalawang linggo, at may kasamang senyales tulad ng: 1) Pagbaba ng timbang; 2) Walang ganang kumain; 3) Pagsusuka; 4) Maitim ang dumi; at 5) Jaundice, o paninilaw sa balat at mata.

vuukle comment

SIKMURA

ULCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with