^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming aksidente dahil sa pagmamaneho nang lasing

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming aksidente dahil sa pagmamaneho nang lasing

TUMAAS ang bilang ng mga naaaksidenteng sa­sakyan ngayon. At ayon sa report, lasing ang driver kaya nangyari ang aksidente. May bumabangga sa poste, pader, convenient store at pati ang kasalubong na sasakyan ay binabangga. Dahil sa kalasingan ng driver, may sumasalungat (counter flow) at inaararo ang kasalubong.

Ganito ang nangyari kamakailan nang mag-counterflow ang isang itim na Hummer sa V. Luna Ave­nue, Bgy. Pinyahan, Quezon City dakong 5:45 ng umaga at nabangga ang isang motorsiklo. Tumakas ang Hummer. Namatay ang mga sakay ng motorsiklo. Napag-alamang lasing ang driver ng Hummer at nakatulog kaya nabangga ang motorsiklo. Natagpuan ang Hummer sa Sariaya, Quezon. Sumuko na ang dri­ver ng Hummer at kinasuhan ng Quezon City police.

Kamakalawa, isang Sports Utility Vehicle (SUV) ang bumangga sa poste ng kuryente sa Quezon Ave­nue, Quezon City. Nahirapang mailabas ang lalaki sa sasakyan dahil sa lakas ng pagkabangga. Lasing na lasing ito ayon sa mga rumespondeng rescuer.

Marami pang aksidente ang nangyari dahil lasing­ ang driver. Ayon sa Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) karamihan sa mga nangyayaring malalagim na aksidente sa Metro Manila ay dahil sa pagmamaneho ng lasing at paggamit ng bawal na droga. Karamihan ay bumabangga sa pader, poste ng ilaw at haligi ng MRT. Mayroon ding head-on collision at may mga namamatay.

Nang lagdaan ang “Anti-Drunk and Drugged Dri­ving Act” noong 2013, maraming natuwa dahil ma­babawasan na ang aksidente sa kalsada dahil sa mga senglot na drayber. Subalit sa halip na mabawasan, dumami pa.

Sa ilalim ng batas, ang sinumang mahuhuli na nagmamaneho na nasa impluwensiya ng alak at pinagbabawal na droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng P80,000. Kapag may napinsala at namatay, magmumulta ng P200,000 hanggang P500,000 at makukulong.

Walang pangil ang RA 10586 kaya maraming lasing­ ang walang takot magmaneho. Binabalewala ang batas.

Ipatupad ang RA 10586 para mailayo sa kapahamakan ang publiko sa mga nagmamaneho nang lasing. Parusahan nang mabigat ang mga senglot na driver.

vuukle comment

REPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with