^

PSN Opinyon

Buwayang si ‘Lolong’ itsapuera na?

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

Alam n’yo ba kung nasaan na ang buwayang si ‘Lolong’ ngayon? Kung nasaan na ang kanyang mga labi na noon ay sinabing ito ay i-preserba at i-didisplay sa isang museum?

Mukhang itsapuera na talaga at binalewala at kinalimutan na si Lolong pagkatapos ng nakalululang celebrity status nito noong ito ay nabubuhay pagkatapos nang siya ay nahuli noong September 2011 sa Agusan Marsh at dinala nga sa Barangay Consuelo.

Tao nga naman o! Buwayang nanahimik sa Agusan Marsh na si Lolong, nahuli at nilagay sa isang kulungan hanggang ito ay namatay noong nagdaang Pebrero.

Tinagurian si Lolong na largest saltwater crocodile  in captivity ng Guinness World Records na kung saan ito ay may  measurement na 6.17 meters or 21 feet and three inches and weighing 1,075 kilos.

Nilagpasan ni Lolong ang Australian crocodile na si  “Cassius” na dating may hawak ng Guinness record, measured 18 feet and weighed close to one ton, at nahuli sa Northern Territory noong  1984.

Di na rin maikaila na pinagkakitaan din ng munisipyo at maging ng mga residente  ng Bunawan, Agusan del Sur ang pagkakulong ni Lolong sa kanyang kinalalagyan sa Barangay Consuelo. Umabot din ng may ilang milyon ang kita ng eco-park na pinaghatian ng barangay, ng local government unit at ang isang bahagi ay para sa upkeep ni Lolong.

Naipatayo ang Bunawan Eco-Park and Research Center sa Barangay Consuelo na kung saan may entrance fee na kinulekta para sa gustong makita si Lolong noong buhay pa ito. At nagsulputan din ang ilang vendors na nagpatayo ng kanya-kanyang mga stalls sa labas ng park.

At heto ngayon ang siste! Alam nyo bang may limang buwan na ang mga labi ni Lolong na nakatago lang sa dalawang freezers sa Davao Crocodile Park  sa Diversion Road dito sa Davao City? Ang katawan ni Lolong ay nakasilid sa isang freezer at ang ulo naman sa kabilang freezer dahil nga sa sobrang laki nito.

Hindi na natiis ni Phillip ‘Sonny’ Dizon, may-ari ng Davao Crocodile Park, ang pagbabalewala ni Mayor Edwin Elorde ng Bunawan at maging ng mga taga National Museum sa kanyang paulit-ulit na panawagan na sana ay kunin na nila ang mga labi ni Lolong upang ito ay ma-preserve ng maayos.

Dismayado si Dizon dahil nga parang deadma sa mga tawag at text messages niya si Elorde at ang mga taga National Museum na kapwa nangako noon na aakuin ang pagpa-preserve ng mga labi ni Lolong upang mai-display at nang makita ng mga henerasyon pang darating ang kaanyuan ng nasabing buwaya.

Kasi hindi naman pangmatagalan ang pagtago sa freezer ng mga labi ni Lolong. Aabutan din yan ng pagkasira at hindi na puwedeng magamit. May dalawang paraan para mai-preserve si Lolong, isa ang taxidermy at isa ang tanning. Ano man ang paraan sana ay gagawa agad ng aksyon si Elorde at ang mga taga National Museum.

Ayon kay Dizon hindi naman daw problema ang pera para sa preservation process para sa mga labi ni Lolong. May sapat naman daw na pondo. Sadyang nakaligtaan at nakalimutan na lang talaga si Lolong.

Huwag naman ‘yong maibaon na lang natin sa limot si Lolong.

At huwag naman sanang umabot sa sitwasyon na maitu­ring na mas buwaya ang tao at mas tao ang buwaya.

vuukle comment

AGUSAN MARSH

BARANGAY CONSUELO

BUNAWAN

BUNAWAN ECO-PARK AND RESEARCH CENTER

DAVAO CROCODILE PARK

DIZON

LOLONG

NATIONAL MUSEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with