^

PSN Opinyon

Walang tubig sa Kamuning market!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

WALANG tubig sa Kamuning market ito ang isinumbong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Chief Kuwago the other day.

Ika nga, walang tulo ng tubig sa gripo.

Naggagalaiti sa galit ang mga palengkero at palengkera sa Kamuning market dahil pati kubeta sa nasabing place ay grabe as in grabe daw ang antot.

Bakit?

Walang tubig, pinutol!

Alam kaya ito ng pamunuan ng Quezon City hall dahil nilapastangan pala ang karapatan ng mga palengkero at palengkera sa Kamuning market.

Sabi nga, dehins sila nagwa-wash kung gagamit ng takubits. Hehehe!

Kaya naman huwag na natin hintayin pang may mga magkasakit sa kanila dahil kayo rin ang makokonsensiya kung mayroon kayo nito.

Abangan.

Natuwa at  nalungkot kay GMA

SA nangyari ngayon kay GMA marami ang naglulundagan sa tuwa siempre kasama rito ang palasyo at si Erap.

Sabi nga, karma ang nangyari kay GMA.

Ang batas na ipinairal nito sa mga kalaban ng gobierno noon siya pa ang nakaluklok sa malakanin este mali Malacañang pala ang siya ring batas na dumurog sa kanya ngayon.

Sangkatutak na madlang pinoy ang galit na galit kay GMA dahl sa mga ginawa niya noon siya pa ang Prez of the Philippines my Phiippines.

 Sabi nga, si Arroyo ay hindi si Erap.

Siempre!

Mukhang nag-iisip ng matindi ang mga alipores ni GMA kung anong dapat gawin para manumbalik o huwag siyang gaanong itapon o apakan ng madlang people na galit todits.

Sabi nga, kailangan ng simpatiya.

Popularidad nito hanggang sumagad sa negative 60 nang ito’y umalis sa puesto. Maging mga kababayan nito’y hindi makuhang sumuporta sa dating pangulo.

Malamang magkaroon daw ng Constitutional Crisis kung ang mga pa-bright - bright ang tatanungin.

Alam naman ng madlang pinoy na hindi giyera sa pagitan ng SC at ng government ni P. Noy ang laban'.

Ito ay karapatang ibinabalik lamang ni P. Noy sa madlang people na inapi noon sila ang naghari sa Philippines my Philippines dahil iilang kaalyado at makapangyarihan nilalang lamang ang binigyan ng basbas para laitin at hiyain ang mga naging kalaban nila.

Ngayon sila naman ang dehado at humihingi ng unawa sa madlang people.

Abangan, ang mga susunod na dramang darating sa Philippines my Philippines.

vuukle comment

ABANGAN

ALAM

CHIEF KUWAGO

CONSTITUTIONAL CRISIS

ERAP

KAMUNING

PREZ OF THE PHILIPPINES

QUEZON CITY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with