^

PSN Opinyon

Haba-haba buhay Tips

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

NAISULAT ko sa librong “How To Live Longer” at “Sakit sa Puso, Diabetes, at Tamang Pagkain” ang mga paraan para humaba ang iyong buhay. Kasama sa listahang ito ang pagtigil sa paninigarilyo, pagpapabakuna, pag-ehersisyo ng regular at tamang pagkain.

Ngunit mayroon pa akong 5 kakaibang tips para humaba ang iyong buhay. Tingnan natin ito:

• Maging masinop (dagdag 2 years sa buhay).

Ang mga taong masinop sa kanilang gawain ay mas humahaba ang buhay. Kapag ika’y masinop, mas mai-ngat ka rin sa iyong kalusugan. Mas pipiliin mo ang mga masustansyang pagkain at iiwas ka rin sa mga panganib. Ayon din sa pag-aaral, ang mga batang hindi masinop ay maagang namamatay. Kaya turuan nating ang ating mga anak ng ganitong kaugalian.

• Isipin na ikaw ay bata pa (dagdag 2 years).

Huwag mong isipin na matanda ka na. Kapag inisip mo ito, ang pakiramdam mo ay tatanda rin. Ngunit kung iisipin mong ika’y bata pa, susunod din ang iyong katawan. Magkaroon ng mga mas batang kaibigan. Ma-ging maalam sa nangyayari sa kapaligiran. Mag-aral ng bagong teknolohiya tulad ng computer, internet at mga gadgets. Marami na ngayon ang umaabot sa edad 90 o 100. Umiwas sa bisyo at mamuhay ng malinis.

• Abutin ang mataas na antas sa buhay (dagdag 4 years).

May pagsusuri ang nagsasabi na ang mga taong mataas ang narating sa buhay (sa pulitika, may posisyon, negosyante) ay mas humahaba ang buhay. Ayon kay Professor Michael Marmot, ang taong kilala sa komunidad ay maaaring nabibigyan ng mas magandang gamutan. Pangalawa, gusto nilang mabuhay ng mahaba dahil may gagawin pa sila para sa mga tao.

Laging gamitin ang iyong isipan (dagdag 4 years).

Gamitin natin palagi ang ating utak para hindi ito pumurol. Huwag mag-retiro sa trabaho. Mag-aral pa rin sa eskwelahan kahit may edad na. Gawin mo lang palagi ang mga hilig mong gawin. Ayon sa pagsusuri sa Rush University Medical Center sa Chicago, ang mga taong mahilig magbasa, mag-aral at sumagot ng crossword puzzles ay mas nakaiiwas sa sakit na Alzheimer’s disease at pagkauliyanin.

• Manatiling payat (dagdag 5 years).

Ayon sa World Health Organization, ang mga atleta na mas mababa sa 5 feet 9 inches at tama lang sa timbang ay mas humahaba ang buhay. Alam natin na masama ang pagiging mataba dahil maraming sakit itong dala, tulad ng sakit sa puso, high blood at diabetes. Hindi naman malinaw kung bakit mahaba ang buhay ng mas pandak na tao. May mga eksperto ang naniniwala na malaking enerhiya ang ginagamit ng matatangkad na tao at mas nagkakaroon sila ng mga sakit ng pagka-edad tulad ng arthritis. Kaya dapat masaya na tayo kung tayo’y mababa at payat.

AYON

BUHAY

HOW TO LIVE LONGER

HUWAG

LEFT

MAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with