^

PSN Opinyon

Varicose veins: Anong solusyon?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

NAPAKARAMI ang may problema sa malalaking ugat sa paa at kamay. Hindi ito magandang tingnan at minsan ay sumasakit pa. Mabigat at pagod ang pakiramdam ng may varicose veins. Ano ba ang solusyon dito?

Huwag ma-guilty – Mga 17% ng pasyente ay may varicose veins. Ito ay dahil namana natin ito sa ating mga magulang.

Itaas ang kamay o paa – Ang sanhi ng varicose veins ay ang pagluwag ng ating mga ugat. Kapag laging nakababa ang ating paa, mag-iipon dito ang dugo at mamamaga ang ating ugat. Kaya umupo at ipatong ang paa sa isang silya o kutson. Ipatong din ang kamay sa isang unan at itaas ng ilang ulit sa isang araw.

Magsuot ng support stockings o masikip na medyas. Mabibili ito sa mga SM department store o sa medikal na tindahan. Ayon kay Dr. Katty Go-Estrada, ang support stockings ang pinakamabisang lunas sa varicose veins. Gamitin ito palagi.

Huwag tumayo ng ilang oras – Kung ang tra­baho mo ay security guard, pulis o saleslady, puwede kang magka-varicose veins. Galaw-galawin ang iyong paa habang nakatayo. Parang nag-e-exercise ka para umakyat ang dugo mula sa paa pabalik sa puso. Kung puwedeng umupo ay mas mainam sana. Sundin ang naunang payo. Mag-stockings o mag-medyas ng masikip!

Itaas ang paa habang natutulog – Ipatong ang ating paa sa isang unan para mabawasan ang pag-iipon ng dugo dito.

Huwag magsuot ng masikip na pantalon – Kapag ma­sikip ang ating pants o maong, puwedeng maipit ang ugat natin sa paa. Siguraduhing katamtaman lang ang sikip para makadaloy ang dugo sa ating mga ugat.

Kumain ng mga gulay na mataas sa fiber tulad ng patola, pechay, okra,    at kangkong. Ang prutas tulad ng papaya at pinya   ay may fiber din. Sa tulong nito, magiging regular ang iyong pagdumi. Kapag malambot ang inyong dumi, makaiiwas kayo sa varicose veins at sa almoranas din.

Kung malaki at masa­kit na ang inyong varicose veins, mainam na magpa-konsulta na sa isang dermatologist tulad ni Dr. Katty Go Estrada ng Manila Doctors Hospital. Sa may malalaking ugat, mayroon ding ope­ rasyon na ginagawa ang mga surgeons.

At huwag basta maniwala sa mga mamahaling gamot o pamahid para sa varicose veins. Mag-ingat at baka mapeke lang kayo. Sundin muna natin ang 7 payo na inilista ko.

Good luck po!

vuukle comment

ATING

DR. KATTY GO ESTRADA

DR. KATTY GO-ESTRADA

HUWAG

IPATONG

KAPAG

PAA

VARICOSE

VEINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with