^

PSN Opinyon

Pulis na naman

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SINA PO3 Rolando Lenon at Jun Bernardino ang itinuturong nasa likod ng malawakang pasugalan sa Central Luzon. Ayon sa mga kausap ko sa Manila Police District (MPD) itong si Lenon ay naka-assign sa R2 o intelligence ng Police Regional Office 3 (PRO3) samantalang itong si Bernardino naman ang bagman ni Chief Supt. Allan Purisima, ang hepe ng Central Luzon Police. Sina Lenon at Bernardino ang umiikot sa mga gambling lords para ikolekta ng lingguhang intelihensiya itong si Purisima, ayon sa mga kausap ko. Kaya laganap ang sakla, jueteng, video karera at lotteng sa Central Luzon ay dahil kina Lenon at Bernardino. Hindi lang yan. Pati peryahan ay pinapa­tulan din nila. Kaya kapag hindi nasawata ni Purisima itong sina Lenon at Bernardino, tiyak ibig sabihin me basbas niya itong pag-iikot ng dalawa sa mga pasugalan, di ba mga suki?

Kung sabagay, mahihirapan itong si Purisima na gibain itong sina Lenon at Barnardino. Kasi nga itong si Lenon ay bukambibig ang pangalan ni Pampanga Gov. Lilia Pineda na umano’y tiyahin niya. Ito namang si Bernardino ay bata niya at kapag binitiwan ito ni Purisima, baka walang tauhan na siyang gustong papelan itong koleksyon sa pasugalan. Kaya walang win-win situation itong si Purisima dito kina Lenon at Bernardino. Ano sa tingin nyo mga suki?

Ang ilan lang sa mga iniikutan nina Lenon at Bernardino ay itong mga peryahan na ang operator ay si Anita sa bayan ng San Ildefonso; Emily sa Sta. Maria; Lourdes sa Pulilan; Ricky Quiros sa Bustos; Jessica sa Libtong at Sto. Nino sa Meycauayan; Rosa sa Bayugo, Meycauayan; Andy sa Guinguinto at Vernie sa Lolomboy. At hindi lang pala para sa pulis ang kinokolekta nina Lenon at Bernardino kundi maging sa kasamahan ko sa hanapbuhay. Aba mukhang nasindikato na nina Lenon at Bernardino ang pasugalan sa Central Luzon ah?

Dapat imbestigahan din ng katoto kong si Jerry Yap, ang presidente ng National Press Club (NPC) kung sinu-sino itong mga kabaro ko na ginigisa ang mga pangalan nina Lenon at Bernardino sa pasugalan, di ba mga suki? Hindi tayo nagtataka kung bakit mataas ang crime rate ng Central Luzon sa liderato ni Purisima. Paano matunugan nitong sina Lenon at Bernardino ang operation ng Dominguez gang eh abala sila sa pag-iikot sa pasugalan. Kaya’t hayun, napatay muna ang mga car dealers na sina Venson Evangelista at Emerson Lozano at driver nito bago kumilos itong si Purisima para mapatigil na ang operation ng Dominguez gang. Kung ang trabaho nila ang inuna nila, maaring nasugpo na ng Central Luzon police kung saan miyembro itong sina Lenon at Bernardino, itong Dominguez carjacking gang at hindi na napatay ang tatlong inosenteng nilalang nga, di ba mga suki? Kaya ang payo natin dito kina Lenon at Bernardino, ang kriminalidad muna ang puksain nila hindi yaong panay pitsa-pitsa lang ang lakad nila. Kasi kapag hindi kayo tumigil baka pati ang ambition ni Purisima na PNP chief ay hahatakin n’yo pababa…Abangan!

vuukle comment

ALLAN PURISIMA

BERNARDINO

CENTRAL LUZON

CENTRAL LUZON POLICE

DOMINGUEZ

ITONG

KAYA

LENON

PURISIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with