Parang pinakuan ang bakod na kahoy
MERONG isang batang lalaki na masama ang timpla — parating madaling magalit o mabugnot, sumisigaw at nagmamaktol. Binigyan siya ng tatay niya ng isang supot na pako at pinayuhan: “Tuwing puputok ka, imartilyo mo ang isang pako sa bakod natin na kahoy.”
Nu’ng unang araw pa lang, 37 pako agad ang naimartilyo sa bakod. Nu’ng ikalawang araw, 32 pako; nu’ng ikatlo, 29. Sa paglipas ng mga araw at linggo, natuto ang bata magtimpi ng galit, at unti-unti nabawasan ang araw-araw na pagpapako. Sa totoo lang, natuklasan niyang mas madali palang kimkimin ang galit kaysa magpako nang magpako miya’t-miya sa bakod.
Hanggang sa dumating ang araw na hindi na pumuputok o nagwawala ang bata. Ibinalita niya ito sa tatay, na nagpayo sa kanya na bumunot ng isang pako sa bawat araw na nakapagtimpi at nakaiwas siyang magalit.
Dumaan ang maraming araw at linggo. At sa huli, na ipagmalaki ng bata sa tatay na nabunot na lahat ng pako.
Tumungo ang mag-ama sa bakod. “Maganda ang nagawa mo, anak, natuto kang magpasensiya,” anang tatay. “Pero masdan ang bakod na kahoy. Puro butas na. Hindi na siya tulad ng dati.”
Napatungo ang bata nang mabatid ang leksiyon: Kapag may sinabi ka nang galit, nag-iiwan ito ng peklat na parang mga butas ng pako. Parang sinaksak mo ang tao, tapos bunitin ang patalim; kahit ilang ulit ka humingi ng dispensa, nasugatan mo na siya.
Magkasing-sakit ang sugat ng patalim at ng salita. Pambihirang alahas ang mga kaibigan; pinangingiti ka nila at tinutulak para umasenso. Nakikinig sa mga problema, pinupuri ka, at parating handang tumulong.
Pakaingatan ang pagsa salita sa kanila; iwasan ang galit. Happy New Year!
* * *
Lumiham sa [email protected]
- Latest
- Trending














