^

PSN Opinyon

Pondong kontra-baha dadambungin muli

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Dalawang linggong bumagyo nu’ng Agosto. Nagkabaha-baha.

Nag-post si Senator Ping Lacson sa X: “Flood control vs Uncontrolled Flood: P1.939 trillion [P1,939,000,000,000] funded the DPWH flood control management program under three Presidents from 2011 to 2025. And the result is uncontrolled flood.”

Nagngi-ngitngit tayong mga mamamayan. Alam natin na dinambong ang P1.939 trilyong kontra-baha. Tig-bilyong piso ang ninakaw ng mga nagkutsabahang political dynasts at burokrata. Nakita natin ang mga litrato ng male-maletang pera na pinarte para sa isang proyekto pa lang sa Bulacan.

Wala pang politiko na nakulong. Tatlong kontratista pa lang ang nakapiit habang nililitis. Siyam na mabababang empleyado ng gobyerno ang kasama nila.

Pero heto, bilyong piso na naman ang pondo kontra-baha sa 2027.

Nag-post si Rep. Chel Diokno sa Facebook ng pag-usisa niya kay Budget Sec. Kim Robert de Leon: “Tumaas ang budget para sa 2027 pero nabawasan naman ang pondo para sa mga ahensyang direktang namumuhunan sa ating mga tao.

“Sabay-sabay bumaba ang budget ng DepEd, CHED, SUCs, TESDA, DOH, PhilHealth, at DSWD. Bakit tila ayaw mamuhunan ng gobyerno natin sa sariling mamamayan?”

[Tugon ni De Leon na ‘yon ay dahil sa mahinang kakayahan ng mga ahensya na gastahin ang malaking pondo.]

“Kung gan’un, bakit itinaas ang budget ng DPWH nang P112 bilyon kung mahina rin ang kakayahan nitong gumasta nang wasto at maraming isyu ng korapsyon? Repasuhin sana ng Development Budget Coordinating Committee ang pagpondo ng mga paaralan, serbisyong pangkalusugan, at social protection. Ang tunay na pundasyon ng isang matatag at maunlad na bansa ay ang pamumuhunan sa mamamayan.”

BAHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with