Demoralisasyon sa Customs
DEMORALISADO raw ang hanay ng mga career officials sa Bureau of Customs. Disgustado lalu na yung mga career employees na malaon nang naglilingkod sa ahensya pero nauunahan pa ng mga baguhan. Ay naku. What else is new in the government system? Pero dapat mabago na iyan.
Sabi ng aking impormante, nagmamarakulyo ang mga kawani ng Customs dahil sa kuwestyonableng promotion ni dating Atty. Rogel Gatchalian bilang Customs Collector VI at hepe ng Port of Manila (POM). Reklamo ng mga na-bypass – obvious na nadaan sa palakasan ang paghirang sa bagitong opisyal.
Anila, mala-bagyong Ondoy ang pag-asenso ni “Gatchi” sa Aduana. Mayroon daw mga alituntunin at batas na nalabag sa kontrobersyal na promosyon. Wala pa raw tatlong taon si Gatchalian sa serbisyo pero Customs Collector VI agad siya! Isa sa pinakamalaki at sensitibong pier pa mandin ang pinamumunuan ngayon ni Gatchalian kahit hindi daw siya qualified. “First in history” raw ang pangyayaring ito. Nangangamba tuloy sila na lalong mabulilyaso ang takbo ng operasyon at pasok ng koleksyon doon.
Hindi raw kwalipikado si Gatchalian dahil unang-una, hindi siya Career Executive Service Officer (CESO). Pangalawa, wala raw siyang karanasan sa assessment and customs operation. Pangatlo, wala rin siyang background at training sa posisyon niya ngayon.
Tatlong taong minimum experience umano ang kailangan bago maging Collector VI. Noon lang 2007 nagumpisa sa Customs si Gatchalian at ni hindi umano siya dumaan sa pagka-Attorney I. Atty.III agad nang siya’y nagsimula.
Reklamo pa rin ng mga taga-Aduana, na-appoint si Gatchalian sa kabila ng maraming kasong administratibo at kriminal laban sa kanya.
Hindi raw maunawa an ng mga career officer ng Aduana kung paanong nalampasan ni Gatchalian ang mga mas karapatdapat sa posisyon. Kawawa naman yung mga ku walipikado na walang kuneksyon, anila. At lalo na yung isang Collector na kasama sa mga lu-magda sa petisyon kay Pa ngulong Arroyo na i-recall ang promotion ni Gatchalian. Mantakin ninyo, may mga panana kot nang ginagawa sa kanya sa pamamagitan ng text messages.
Sey mo Customs chief Napoleon Morales?
- Latest
- Trending