^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa bogus na travel agency!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

Pag-iisyu ng pekeng Electronic Ticket, ito ang modus operandi ng ECONOMY TOURS & TRAVEL AGENCY sa Malate Manila.

Isa sa kanilang mga biktima ang naglakas-loob na lumapit sa Bitag upang isumbong ang panlolokong ginagawa ng travel agency na ito.

Ang Economy Tours and Travel Inc. ay pag-aari ng mag-asawang Rene at Florida Lagunton. Kasalukuyang nagtatago na ang mga hinayupak na may-ari na ito dahil hinahanting na sila ng kanilang mga biktima.

Ang estilo ng modus, matapos kunin ang bayad ng mga pasaherong bumibili ng mga Airline Tickets, mag-iisyu ang travel agency na ito ng Pekeng electronic ticket.

Peke dahil sa kanilang print out itinerary, my flight number at flight information, subalit walang electronic ticket number. Ang electronic ticket number ang siyang magpa­patunay na balido at lehitimo ang isang electronic ticket.

Dahil peke ang kanilang inisyu sa kanilang mga pasahero o kostumer, hinarang sila ng mga tauhan ng airline sa airport. Ang masahol pa dito, hindi na nga nakaalis ang mga pobreng kostumer, hindi pa nila mairefund ngayon ang kanilang perang ibinayad sa ahensya.

Ang dahilan, ibinabayad din nila sa mga nauna ni­lang naging biktima. Panoorin ngayon Sabado ang     pag­kaka­hulog sa bitag ng Economy Tours & Travel  Agen­cy!

Manood ng matuto at ng makaiwas sa mgas bogus  na travel agency.

vuukle comment

AIRLINE TICKETS

ANG ECONOMY TOURS AND TRAVEL INC

ECONOMY TOURS

ELECTRONIC TICKET

FLORIDA LAGUNTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with