^

PSN Opinyon

Ang matapang kuno na si Sr.Insp Oscar Buenaobra..

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

Nung nakaarang linggo tumulak ang grupo ng BITAG sa Pagadian City para sa isang napakahalagang misyon. Ang makaharap ang kilabot na Chief of Police ng Pagadian City na si PSr/Insp. OSCAR BUENAOBRA.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, samu’y saring kasong kriminal at administratibo ang nakasampa sa naturang Chief of Police ng Pagadian City, pero naka­pagtatakang hindi man lang ito natatanggal sa kanyang pwesto. 

Mistulang sagdradong Baka itong si Capt. Buenaobra dahil untouchable siya sa kanyang lugar, animo’y hari na bawal ang humarang sa kanyang daraanan.

Ito ang sinapit ng mga biktimang sina Aurora Sandie Mirrar at Nelly Nacario, matapos awatin ang nagwawalang si Buenaobra habang nambubugbog ng isang miyembro ng 1st Tabak Infantry Division ng Philippine Army.

Imbes na magpaawat sila ang napagbalingan, hindi siya nagdalawang isip dahil kahit babae ay kanyang pinapatulan.

Lubos na nababahala ang mga residente dahil ang mismong gumagawa ng krimen sa kanilang lugar ay ang mismong nagpapatupad ng batas. Nadadagdagan tuloy ang masamang imahe ng Philippine National Police sa ganitong klaseng pulis.

 Abeinte sais ng Marso ng marating ng grupo ng Bitag ang Pagadian City, agad namin pinuntahan ang tanggapan ni Capt. Buenaobra upang makapanayan at makuha ang panig hingil sa mga akusasyon laban sa kanya.

Lingid sa aming inaasahan, ang nabansagan na bad boy na hepe ng pulis ng Pagadian City ay nabahag ang buntot na humarap sa Bitag. Umabot sa tatlong araw ang aming paghahanap ngunit ni anino ni Buenaobra ay hindi namin nakita.

Sadyang matapang lamang siya sa mga babae at sa taong hindi magawang makalaban sa kanya dala ng kanyang kapangyarihan. Hanggang sa ngayon ay nagtatago siya sa aming camera, ibig sabihin ba nito na guilty siya sa lahat ng akusasyon laban sa kanya.

Kaya ang hamon ng Bitag sa Notorius na pulis na si Capt.Oscar Buenaobra, kung talagang wala kang tinatago, humarap ka sa aming camera. Wala ka nang matataguan dahil hulog ka na sa patibong ng Bitag.

Panoorin sa darating na Sabado ang buong istorya sa BITAG.

vuukle comment

BITAG

BUENAOBRA

PAGADIAN

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with