^

PSN Opinyon

Mga leksiyon sa Manila Pen siege

SAPOL - Jarius Bondoc -

NAGBABAKBAKAN pa ang pulis at mutineers sa Makati nu’ng Huwebes ng dapithapon, kumalat na ang text joke: “Mga leksiyon sa insidente ng araw na ito: (1) kaya palang lakarin mula Makati court hanggang Peninsula Hotel; (2) mas matindi ang teargas kaysa machinegun; (3) kasya sa hotel ang tangke; (4) pati reporters pala hinuhuli; (5) uso na uli ang curfew.”

Puwera na biruan, lima rin ang napansin kong leksiyon mula sa pagtawag nina Sen. Sonny Trillanes at Gen. Danny Lim ng people-power. Mga leksiyon ito kung bakit nabigo sila:

Una, walang taksan-taksan na middle class. Uma­ambon kasi nu’ng Huwebes sa Kamaynilaan; ayaw nila mabasa sa ulan. Tapos piyesta-opisyal pa sa susunod na araw, Bonifacio Day; long weekend na pinlano na sa out of town trips imbes na mag-people power. Mas matindi, magpa-Pasko na; ayaw ng Pilipino ng gulo sa Pasko. Sa kasaysayan, makalipas-Pasko nagaganap ang mala­laking political events: First Quarter Storm, Jan.-Mar. 1970; EDSA-1, Feb. 1986; EDSA-2, Jan. 2001. Pati ang pag­siklab ng Filipino-American War at ang Sakdal Revolt ay pagkalipas ng holidays.

Ikalawa, dahil walang people power, hindi lumitaw ang suportang hinihintay nina Trillanes at Lim mula sa  militar. Ang militar kasi, atubili mabansagang coup plotters kung walang civilian component ang aksiyon. Sabi ng PNP-Intel­ligence, dalawang grupo ang nakaakmang sasali nu’ng Huwebes pero umatras nang walang dumagsang tao sa Makati.

Ikatlo, walang suporta ng simbahan. Meron ngang isang obispong Katoliko sa Manila Pen, pero retirado na, at isang pari, na sa Hong Kong na naka-assign. Hindi dumagsa ang mga lider Katoliko, Protestante o Born-Again para mana­­wagan sa mga kasapi na magmartsa.

Ikaapat, walang pondo ang mutiny. Halatang hindi sila tinustusan ng mga negosyanteng dati nang sumusuporta sa people power. Maski si Makati Mayor Jojo Binay, maski taga-Oposisyon, hindi nakipondo.

Ikalima, walang suporta ng America. Sa tingin ng Washington, iisa lang naman ang tabas ng administrasyon at oposisyon: Parehong kawatan.

vuukle comment

BONIFACIO DAY

DANNY LIM

FILIPINO-AMERICAN WAR

HUWEBES

MAKATI

PASKO

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with