^

PSN Opinyon

Ano ka hilaw?

- Al G. Pedroche -

“HILAW” is the best word to describe the new mutiny launched by renegade Senator Antonio “Sonny” Trillanes kaya muling nabigo sa layuning itaboy sa Malacañang si Presidente Arroyo. Hindi luto at kulang sa sangkap.

Kasama si Brig. General Danny Lim at iba pang miyembro ng Magdalo na nililitis sa hukuman sa Makati, bigla na lamang naisipang mag-walkout at nagmartsa papuntang Peninsula Hotel. Ewan ko kung ito’y matagal nang plano pero sa tingin ko’y padalus-dalos na aksyon ito. Nasaan sina Sen. Jinggoy at iba pa niyang kasa­ma-han sa oposisyon? Wala. Nasaan ang “critical mass” o sangrekuwang tao na dapat sana’y pumalibot sa Peninsula Hotel para suportahan siya? Wala. Wala rin siyang suporta ni katiting mula sa military at sa police force.

Iilang  pari at civilian supporters lang ang kasama niya kabilang ang kulang na rin sa enerhiya na si dating VP Tito Guingona. Sayang si Trillanes. Sobrang hyper kaya namimingit ang career as a politician, not to mention the fact na wasak na ang kanyang bokasyon sa pagsusundalo.

Tama ang advocacy ni Trillanes laban sa tiwaling administrasyon pero maling-mali ang methodology niyang ginamit. Nag-aapura. Exuberance of youth? Mr. Trillanes, you’re a teener no more. At past thirty, a man becomes more analytical in all the moves he makes. Sa kaso mo, hindi.

 Granting na nagtagumpay ang Magdalo group, talsik si Gloria at may iuupong iba. Siguro si Erap o si Guingona. Ano ang kasunod? May mga sisigaw na ang iniupo nilang leader ay illegitimate kaya hindi matatapos ang giyera sa pulitika. Kawing-kawing na rebelyon ang mangyayari para patalsikin ang sino mang leader na mailuluklok dahil sa rebelyon. Eh bakit hindi sila makapaghintay hanggang 2010 which is a little over two years from now?

Hindi kinagat ng taumbayan ang panawagan ng grupo ni Trillanes na patalsikin ang Pangulo dahil sa masaklap na karanasan ng bansa sa mga nakaraang people power revolutions. Imbes na umigi ang kalagayan ng bansa, lalong sumama. 

vuukle comment

GENERAL DANNY LIM

MAGDALO

MR. TRILLANES

NASAAN

PENINSULA HOTEL

PRESIDENTE ARROYO

SENATOR ANTONIO

TRILLANES

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with