^

PSN Opinyon

Ang pagmamahal ng ama sa anak

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
NATUTUWA ako sa aking mga anak dahil sa paglipas ng mahabang panahon, sila ay may kanya-kanya na ring layunin sa buhay, ayon na rin sa kanilang sariling kagustuhan. Si Tommy ay isang flight steward at may license na rin bilang isang piloto, bagamat mas gusto niyang paliparin ngayon ang kanyang negosyo bilang isang real estate developer. Si Christian naman ay isa nang congressman ng Buhay Party List, at very active siya sa kanyang pro-life advocacy na suportado naman ng simbahang Katoliko.

Si Roy Junior (RJ) naman ay patapos na rin sa kanyang pag-aaral ng abogasya at siya na rin ang susunod sa aking mga yapak bilang isang manananggol. Si Hannah ay isa nang broadcaster ng Radio Mindanao Network at kasama niya sa Bantay OFW ng DZXL si Marvin Javier na itinuturing ko na ring parang anak ko. Si RJ at Hannah na rin ang nagpapatakbo ng OFW Family Club at abala sila araw-araw sa pagtulong sa mga OFW katulad ng ginagawa ko.

Si Hazel at si Chris ay mga negosyante na rin. Si Hazel ang nagpapatakbo ng Our Father’s Coffee at si Chris naman ay may sarili na ring music studio kung saan nailalabas niya ang kanyang galing sa musika. Sila pala ni RJ ay mga musician din at may nailabas na silang isang plaka na mabenta sa mga bata.

Si Sarah Balabagan naman na itinuring ko rin na bilang anak ay may sarili na ring pamilya at hanapbuhay. Sa kabaitan ng Diyos, ako ay nagkaroon ng isa pang anak sa katauhan ni Edward "Kiko" Francisco, dahil siya ang naging asawa ni Hannah. Si Kiko ay apo ni Lolo Tasyo, ang nagtatag ng Francisco Motors, at dahil sa kanyang husay ay nabigyan niya ng kabuhayan ang maraming mga taga-Las Piñas.

Katulad ng kanyang Lolo, mahalaga kay Kiko ang kabuhayan ng mga tao sa Las Piñas lalung-lalo na ang mga kabataan. Marahil, yan ang dahilan kung bakit nag-decision siya na tumakbo bilang konsehal sa District II ng Las Piñas. Ako naman, malaki na ang pasalamat ko kay Kiko na binigyan niya ako ng apo, isang babaing ang pangalan ay si Kelsey na ang sabi ng karamihan ay kamukha ko raw.

Bilang mga magulang, natural lang na mahalin natin ang ating mga anak, ngunit hindi ba mas lalo naman tayong natutuwa kung sila ay may ipinaglalaban na wasto at nakakabuti naman sa ating bayan? Di na mabilang ang natulungan nina RJ at Hannah sa OFW Club, kasama na riyan ang mga natulungan nina Hannah at Marvin sa kanilang radio program. Kung sana palarin si Kiko, siya rin ay mas marami pang matutulungan sa Las Piñas at alam kung mahalaga ‘yan, dahil alam kung napakaraming walang trabaho sa kanyang distrito, bata man o matanda.
* * *
Makinig sa "USAPANG OFW" sa DZRH tuwing Linggo 10 to 11 a.m. Mag-e-mail sa [email protected], text 09187903513, dumalaw sa www.royseneres.com, tuma wag sa 5267522 at 5267515 at bumisita rin kayo sa Our Father’s Coffee.

vuukle comment

HANNAH

KIKO

LAS PI

NAMAN

RIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with