^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Umangat sa PISA

Pilipino Star Ngayon

MAY magandang balita sa edukasyon. Naitala ng Pilipinas ang pinakamataas nitong marka sa Programme for International Student Assessment (PISA) mula nang sumali noong 2018.

Tumaas ng 20 points ang reading score ng mga estudyanteng Pilipino, 16 points sa mathematics at 17 points sa science. Nakalabas na rin ang bansa sa bottom 10, at kinilala pa ang Pilipinas bilang pinakamabilis umangat sa reading performance. Dapat kilalanin ang pag-unlad na ito. Patunay itong may bunga ang mga reporma at kayang bumawi ng ating mga estudyante.

Pero may isang numero sa PISA 2025 na hindi dapat matabunan ng pagdiriwang.

Sa reading, umangat ng 41 points ang score ng mga estudyanteng kabilang sa mga pamilyang maykaya sa buhay. Sa mga estudyanteng nabibilang sa mahihirap na pamilya, 15 puntos lamang ang itinaas.

Lumalabas na ang Pilipinas ang ­tanging bansa na lumaki ang agwat sa reading improvement sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, kumpara sa ibang bansa na lumiit o nawala ang gap na ito.

Ibig sabihin, umaangat pero hindi ­pantay ang pag-angat. Hindi naman mahirap makita kung bakit maaaring mas mahirap humabol ang isang batang kapos sa buhay. Mas limitado ang access nila sa gadgets, internet, libro, tutor at iba pang learning support.

Maaari ring dahilan nito ay problema sa gutom, malnutrisyon at kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan.

Kaya hindi sapat na tingnan lamang kung ilang bansa na ang nalampasan natin sa ranking. Mas mahalagang tingnan kung sino sa ating mga estudyante ang patuloy na naiiwan.

Dito lalong naging mahalaga ang Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL Program, na ginawa upang tulungan ang mga estudyanteng kailangang humabol sa reading, science at mathematics. Ngunit kapansin-pansing wala itong pondo sa unang panukalang 2027 national budget.

Humihingi ngayon ang DepEd sa Kongreso ng P9.98 bilyon hanggang P15.98 bilyon upang maipagpatuloy ito.

Kung may malinaw na mensahe ang PISA 2025, ito ay may kakayahang umangat ang bansa. Pero ipinahihiwatig din nitong kailangang tiyaking kasabay sa pag-angat ang mga batang hirap makahabol.

Magandang habulin ang mas mataas na ranking. Pero ang tunay na tagumpay sa edukasyon ay hindi lamang kung gaano kataas ang narating nang pinakamagaling, kundi kung gaano karami ang nakasama sa pag-angat.

EDUKASYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with