^

PSN Opinyon

Voter educators mali ang turo

SAPOL - Jarius Bondoc -
ISA pang grupong Katoliko ang lumitaw para magturo kuno ng tamang asal na botante: Ang Ehem na binuo ng mga Hesuwito sa Ateneo de Davao nu’ng halalang 2004. Pero malalala pa sa PPCRV na kumukutya sa botante imbis na sa pulitiko, kapabayaan at kadunguan ang itinuturo ng Ehem.

Ayon sa Ehem, iwasan ang paghingi ng pabor sa pulitiko, tulad daw ng: (1) paggawa ng bagong altar sa maralitang parokya, (2) pag-tustos ng uniform sa inter-barangay summer sports tournament, (3) pagbabakod sa lumang public school, o (4) pagsemento ng kalsada sa maralitang baryo.

Tama lang na hindi ihingi sa pulitiko ang pagpapagawa ng altar – pero hindi sa rason na sinaad ng Ehem. Anila, kapag hiningan ng pabor, dudulog agad ang pulitiko, at magkakautang-na-loob ang botante sa halalan. Mali! Hindi dapat kikilan ang pulitiko sa gastusing-simbahan para, bilang lider, hindi siya pumanig sa ano mang relihiyon.

Mali ang Ehem sa tatlo pang ehemplong ibinigay. Hindi paghingi ng pabor ang pagtustos sa sport development, pagbakod sa school o paglatag ng kalsada. Kung tutuusin, tungkulin ‘yon ng gobyerno at mga opisyales. Karapatan ng mamamayan na hingin ang basic services. Ang ituro dapat sa kanila ay huwag tanawing utang na loob ang pagserbisyo ng opisyales. Ang masama ay kung malihim o lantarang madumi ang source ng pera.

Halimbawa, ang pang-uniporme, pangbakod o pangsemento ba ay talagang nakalaang pondo sa budget ng munisipyo, lungsod at probinsiya, o galing sa unaudited pork barrel? Kasi kung sa huli, ibig sabihin pera din ‘yon ng taumbayan pero pinalalabas ng pulitiko na kanya. At kung galing sa jueteng o droga ang pampamudmod ng pulitiko, lalong masama.

Uulitin ko ang panawagan sa mga samahang simbahan, lalo na sa Katolikong mayorya sa masang botante: Kung magtuturo kayo ng wastong pagboto, huwag n’yo nang kutyain ang botante, dahil baka mali ang salita niyo, o kaya walang epekto miski mula 1987 n’yo pa ito ginagawa. Mabuti pa, ang kutyain ninyo nang diretso ay ang mga kandidato. Bistuhin ninyo kung sino sa kanila ang nangangaliwa at nagnanakaw sa kaban ng bayan.

vuukle comment

ANG EHEM

ANILA

ATENEO

AYON

BISTUHIN

DAVAO

EHEM

HALIMBAWA

HESUWITO

PULITIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with