^

PSN Opinyon

Hinog na saging gamot sa may LBM

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ISA sa pinakamasarap at masustansiyang prutas ang saging. Napatunayan ko na bukod sa malaki ay napakasarap ng saging ng mga Bikolano lalo na ’yung bongolan, lakatan at latundan. Super tamis din ang mga saging na senyorita at gloria na nakatanim sa gilid ng paanan ng Mayon volcano sa Albay. Nakatikim na ako ng mga saging galing sa Mayon at napakasarap talaga. Ito ay noong nag-outreach program kami sa Albay nang sumabog ang Mayon Volcano noong katapusan ng dekada ’80.

Ang hinog na saging ay gamot sa mga may loose bowel movement (LBM). Ang taglay nitong potassium ay mahusay na lunas sa dehydration at mga sinisikmura. Gamot din ito sa mga nahihilo at may alta presyon.

Ang balat ng saging ay gamot din sa sugat at pang-alis din ng tagihawat. Ang banana shake ay mainam na pangtanggal ng hang-over. Ang saging na saba ay pansahog sa mga nilulutong ulam gaya ng puchero, mechado, nilagang baka at kare-kare. Siyempre marami ang may gusto ng bananacue at saging con yelo na paborito ni Cora Alonzo ng Valenzuela City.

ALBAY

BIKOLANO

CORA ALONZO

GAMOT

MAYON

MAYON VOLCANO

SAGING

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with