May kapalpakan ba sa Marikina Registry of Deeds ?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay () - August 12, 2004 - 12:00am
MAY misteryo bang nangyayari sa Register of Deeds ng Marikina? Ito ang naitanong ko sa sarili nang malaman ang nangyari kay Resty Mercurio, isang mahirap na mamamayan na nagsisikap na buhayin ang asawa at mga anak sa pagtatanim ng gulay.

Napadpad si Resty at ang pamilya sa lugar na ito matapos na itaboy sa dating tinitirahan sa Daang Bakal, Sto. Niño, Marikina sa kadahilanang sila’y mga squatters. Sinabi sa kanilang itatayo raw dito ang Marikina Sports Center at isang hospital kung kaya’t napilitan silang lisanin ito at lumipat na nga sa kasalukuyang lugar nila kahit na walang tubig at kuryente.

Sa tulong ng bayaw ni Resty na si Leodegario Santiago na noon ay family driver ni Rizal Governor Isidro Rodriguez, napatituluhan ang lupang tinitirhan at sinasaka ni Resty na tinatawag na anak lupa. Ang sakop na lupa ay may sukat na 9,759 metro kuwadrado na nababanggit sa titulo na may bilang na TCT No. 281895 ng Register of Deeds ng Rizal at may petsang Marso 24, 1970 at may lagda ni Atty. Jose D. Santos.

Nagsimula ang kalbaryo ni Resty noong 1995 nang sabihin sa kanya ni Assessor Sonny Ramos na peke diumano ang kanyang mga dokumento kung kaya’t dapat na kalimutan na nito ang tungkol sa lupa nang hindi siya mapahamak. Napag-alaman din ni Resty na ang titulo niya sa kanyang lupa ay ilang ulit na inilipat sa iba’t ibang pangalan na may magkakaibang sukat at naiutang ito sa iba’t ibang pagkakataon ng milyun-milyong halaga. May mga dokumentong nagpapatunay nito.

Nagkaroon lamang ng pag-asa si Resty nang samahan siya ni Ka Manny Manalo, isang respetadong miyembro ng INC at ni Atty. Ramon Posadas at idinulog ang kaso kay Justice Sec. Merceditas Gutierrez at sa NBI. Subalit, wala pa ring anumang nangyayari sa kasong ito hanggang sa namatay na si Resty. Kumpleto ang mga papeles ni Resty na aktibong mga kasapi ng Iglesia ni Cristo. Hihintayin pa ba nilang ang kumilos ay Malacañang at mabusisi pa ang mga misteryong kapalpakan ng mga kinauukulan. Dapat lamang na maituwid na ang kalunus-lunos na ginawa nila sa kaawa-awang si Resty.

ASSESSOR SONNY RAMOS DAANG BAKAL JOSE D JUSTICE SEC KA MANNY MANALO LEODEGARIO SANTIAGO MARIKINA SPORTS CENTER REGISTER OF DEEDS RESTY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with