^

PSN Opinyon

Ang paghingi ng palatandaan

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SI Jonas ay isang propeta na sinugo ng Diyos upang tawagin ang mga taga-Ninive na magsisi sa kanilang mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos. Nagsisi nga ang mga taga-Ninive.

Si Solomon ay dating hari ng mga Israelita. Siya ay isang napakarunong na tao.

Pakinggan natin si Jesus sa kanyang pagkondena ng mga eskriba at Pariseo (Lk .11:29-32).

Samantalang dumaragsa ang mga tao, sinabi ni Jesus, "Napakasama ng lahing ito! Naghahanap sila ng palatandaan mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas. Kung paanong naging isang palatandaan si Jonas sa mga taga-Ninive, gayundin naman, magiging isang palatandaan sa lahing ito ang Anak ng Tao. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at sila’y hahatulan niya ng kaparusahan. Sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto! Sa Araw ng Paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!"


Sa pagpapahayag sa kanyang sarili na mas dakila kaysa Jonas at Solomon, ipinapalagay niya na ang pinakamaiinam na katangian ng dalawa ay na kay Jesus na. Subalit sa kabila ng kanyang mga aral at turo, at mga himala ang mga eskriba’t Pariseo ay hindi naniwala kay Jesus.

Hinatulan ni Jesus ang kasalukuyang henerasyon, ang ibig sabihi’y ang mga Eskriba at Pariseo, bilang mga masasama at karapat-dapat na makondena.

Kayo naman? Naniniwala ba kayo sa mga turo at aral ni Jesus? Naniniwala ba kayo sa mga himala niya? Naparito siya upang iligtas kayo. Maniwala at manalig kay Jesus. Siya ang inyong kaligtasan.

vuukle comment

DIYOS

JESUS

JONAS

NANINIWALA

NINIVE

PAGHUHUKOM

PARISEO

SA ARAW

SI SOLOMON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with