Mga produkto mula sa gatas ng kalabaw
BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo () - September 17, 2003 - 12:00am
NAPAKALAKING tulong sa mga magsasaka ang kalabaw, lalo na sa pag-aararo ng bukid na gagamiting taniman ng palay na pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Noong senador pa si dating President Erap Estrada inisponsor niya at pinilit na maipasa ang "Carabao Bill".

Bukod sa ang karne ng kalabaw ay masarap gawing "tapa", masustansiya rin ang gatas nito. Sobrang masustansiya at mayaman sa protina at iba pang mineral ang gatas ng kalabaw na ginagawa ring keso at pastilyas. Ngayon ay paborito na chocomilk at lactojuice na mula sa katas ng mga prutas na inihahalo sa sariwang gatas ng kalabaw. Kadalasan ay pineapple juice at mango juice ang inihahalo sa gatas ng kalabaw. Ang 20 litrong gatas ay inihahalo sa 100 galong pineapple juice. Napag-alaman na mas madaling masira at mapanis ang lactojuice kaysa chocomilk (pinaghalong tsokolate at gatas ng kalabaw).

Maraming mga kooperatiba sa kalabaw na itinatag sa San Ricardo, Talavera, Nueva Ecija na nagpatotoo na malaki rin ang kita nila mula sa mga produkto ng gatas ng kalabaw gaya ng pastilyas at kesong puti. Sa UN Avenue, Manila ay napakaraming Bombay na pumapakyaw ng gatas ng kalabaw mula sa Nueva Ecija. Mabenta rin ang mga pastilyas na mula sa San Miguel, Bulacan.

Ayon sa Philippine Carabao Center ay hindi pahuhuli ang kalidad ng gatas ng kalabaw sa mga imported milk mula sa Australia at New Zealand. Nararapat lamang na pag-ibayuhin ang industriya ng produkto mula sa gatas ng kalabaw na hindi lang dagdag na pagkakitaan kundi malaking tulong sa nutrisyon.

CARABAO BILL GATAS KALABAW NEW ZEALAND NUEVA ECIJA PHILIPPINE CARABAO CENTER PRESIDENT ERAP ESTRADA SAN MIGUEL SAN RICARDO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with