^

PSN Opinyon

Police general niligawan ng lady jogger sa Greenhills

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang kinaiinggitan ngayon ang isang police general dahil siya pa ang niligawan ng isang lady jogger sa Greenhills, San Juan?

Ayon sa aking bubuwit, 57 days na lang at Pasko na.

Happy birthday muna kay Bro. Angel Sarangaya ng Cagayan Valley Lodge; Tess Devett, Miguel Cruz, Bros. Jessie Cruz, Jonathan Florendo, Artemio Cacal, Edwin Regino at Bro. Delfin del Rosario Jr.
* * *
Naniniwala ba kayo sa kasabihang "Basta Pulis... Matulis!"

Ayon sa aking bubuwit, hindi lang daw matulis kundi ligawin din dahil malakas daw ang kanilang sex appeal.

Kung sa inyo nga naman mangyari ang ganito, palalampasin n’yo pa ba?

Ayon sa aking bubuwit, si General ay parati palang nagja-jogging sa Greenhills, San Juan. Siyempre, dahil isang heneral, marami ang gustong makipagkilala sa kanya. At ang isa sa mga nakilala at naging kaibigan niya sa kaja-jogging sa araw-araw ay isang maputing lady jogger.

Hindi naman kagandahan ang nasabing lady jogger subalit siya ay makinis, kutis porselana at malakas ang sex appeal.

Alright General Sir!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, hindi na kasi naitago nu’ng lady jogger ang kanyang pagnanasa kay General. Dahil nakaibigan, sila ay madalas magkape at magkuwentuhan pagkatapos ng kanilang jogging.

Sabihin ba naman kasi nung lady jogger kay General na "Alam mo General, kahit may-asawa ka na, papatulan pa rin kita."

Pagkatapos ay dumadalaw pa ito sa opisina ni General at nagdadala pa ng pagkain. Ang dinadala ay mga pagkain mula sa Jollibee.

Ayon sa aking bubuwit, dahil sa ganitong motibong ipinapakita ng maputing lady jogger, nasira ang maximum tolerance ni General. Pinatos ang nasabing lady jogger.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang lady jogger ay isang separada. Merong isang anak. Matronix ang beauty pero malakas pa rin ang appeal.

Itatago ko siya sa pangalang Anabel.

Ang police general na pumatos sa lady jogger ay walang iba kundi si...

Siya ay medyo maitim at meron pang isang siyota sa Parañaque.

Siya ay walang iba kundi si Gen. S.R. as in Santong Relax.

vuukle comment

ALRIGHT GENERAL SIR

ANGEL SARANGAYA

ARTEMIO CACAL

AYON

BASTA PULIS

GENERAL

JOGGER

LADY

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with