^

PSN Opinyon

Doktor sa PGH, nangre-rape ng mga nurse at intern

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang iniimbestigahan ngayon ang isang manyakis na doktor dahil sa pangre-rape diumano sa ilang medical intern at mga nurse sa Philippine General Hospital?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Rep. Jayjay Romualdo ng Camiguin; Rep. Joy Young ng Promdi; Rep. Warly Tilanduca ng Bukidnon; Rep. Allen Quimpo ng Aklan at kay Atty. Ben Bulalacao from Atty. Gary Sancio.
* * *
Alam n’yo bang inireklamo ang isang doktor sa PGH dahil sa pangre-rape diumano sa ilang medical intern at mga nurse?

Ayon sa aking bubuwit, may kakaibang style pala si Dok para maka-dale ng mga kursunada niyang intern at nurse sa PGH.

Ang ginagawa niya ay nag-iimbita ng mga intern at nurse sa kanyang clinic o kaya sa isang private place. At ang mga imbitado lang ay ’yung mga natitipuhan niyang magaganda.

Magpapa-party si Dok at siyempre may kasamang inuman. Kadalasan ay inaabot sila hanggang madaling araw.

At talaga namang inuman to death ang ginagawa. Sinasadya talaga ’yan ni Dok para nga naman kapag tipsy na o lasing na ’yung mga medical intern, saka sila nire-rape ni Dok.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, noong una ay ayaw lumantad ang mga biktimang nurse at medical intern. Nahihiya siyempre sapagkat sila ay mga dalaga.

Dahil nahihiya na magreklamo, tuloy naman ang modus operandi ni Dok. Party dito, party doon, kasta rito, kasta roon?

Pero dahil sa dami ng mga biktima ni Dok, meron nang nagreklamo sa mga opisyal ng PGH. Kumalat ang ginagawa ni Dok manyakis.

Upang hindi naman malagay sa kahihiyan ang management ng PGH, gumagawa sila ngayon ng lihim na imbestigasyon.

Kailangan pa bang ilihim ’yan?

Dapat ay kumbinsihin ang mga biktimang nurse at medical interns na lumantad na lang at magsampa ng kaso laban sa doktor.

Kaya lang ay nahihiya raw ang mga biktima na lumantad. Baka masira ang kanilang mga propesyon.

Ayon sa aking bubuwit, ang doktor sa PGH na nilalasing muna ang mga medical intern at mga nurse bago gahasain ay si…

Ito ay si Dr. L. as in ‘‘ L’’ siya ’Day.

vuukle comment

ALLEN QUIMPO

AYON

BEN BULALACAO

DOK

DR. L

GARY SANCIO

INTERN

JAYJAY ROMUALDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with